Erich Gonzales, Mateo Lorenzo ikinasal na; netizens may kanya-kanyang hugot sa wedding | Bandera

Erich Gonzales, Mateo Lorenzo ikinasal na; netizens may kanya-kanyang hugot sa wedding

Reggee Bonoan |March 23,2022
facebook
share this

Erich Gonzales, Mateo Lorenzo ikinasal na; netizens may kanya-kanyang hugot sa wedding

Reggee Bonoan - March 23, 2022 - 03:24 PM

Erich Gonzales at Mateo Lorenzo ikinasal na

Erich Gonzales at Mateo Lorenzo

VIRAL ang larawan ng babae at lalaking nakatalikod na parehong nakaharap sa altar na pinaniniwalaang sina Erich Gonzales at Mateo Lorenzo na balitang ikinasal na ngayong araw.

Ang nasabing litrato ay nakuha sa Instagram account ng nagngangalang Andres de Leon Lorenzo, ang nakababatang kapatid ni Mateo.

Matatandaang naging viral ang marriage banns nina Erika Chryselle G. Gancayco at Mateo Rafael D. Lorenzo noong Peb. 19 na naka-post sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City. At kaninang tanghali nga, March 23 ay naganap na umano ang kasalan.

Walang komentong narinig mula kay Erich tungkol sa viral information na ito tungkol sa kanyang kasal noong huling humarap siya sa entertainment media para sa muling pagpirma ng kontrata sa Star Magic.

Understandable na gustong maging pribado ng pamilya nina Erich at Mateo ang kanilang pag-iisang dibdib kaya hindi ito lumabas sa mga balita, maliban sa marriage banns.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg)


Anyway, tinanggal na ng kapatid ni Mateo na si Andres ang nasabing larawan ng mga ikinasal pero sa IG story ay makikita pa rin ang larawan ng huli na nakasuot ng barong, itim na pantalon habang pula ang medyas at itim naman ang sapatos nito.

Hindi naman naging maganda ang ilang komento ng netizens sa pagpapakasal ni Erich kay Mateo dahil puwede na raw siyang magretiro sa showbiz.

“Congrats Inday!  Puwede ka na mag retire sa showbiz.”

“Wow, welcome to Alta life, sabi ng mga Marites..nbut Erich deserves it naman.”

“Congrats, Erich for securing your future.”

“Hope she can adjust well.”

“Yes. The Lorenzos are low keys, very private and traditional.”

Pero marami rin naman ang bumati ng “congratulations” sa bagong kasal.

At para sa mga nagsasabing puwede nang magretiro si Erich sa showbiz, for your information, kaka-renew lang ng aktres ng kontrata niya sa Star Magic kamakailan kaya ibig sabihin hindi siya hihinto sa showbiz.

Sa mga nagsabing “securing your future”, marami na rin namang naipon at investments si Erich at sa katunayan ay may mga nabili na siyang lupa at nakapagpatayo na ng sariling bahay sa isang exclusive subdivision mula sa pinagpaguran niya sa showbiz.

Sa sinasabing “low key” ang pamilya Lorenzo, ganito rin si Erich, hindi rin siya show off kung anong mayroon siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, mula sa BANDERA congratulations and best wishes kina Mr. and Mrs. Mateo Lorenzo.

Erich ayaw pa ring magsalita tungkol sa kasal nila ng bilyonaryong dyowa para iwas-intriga

Secret fantasy ni Enchong, ‘kinky stuff’ sa eroplano; Erich 4 ang gustong anak

Candy naiyak nang matupad ang hiling na maging altar server si Quentin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending