Bugoy, EJ ikakasal na sa Marso, ibinandera ang prenup

Bugoy Cariño, EJ Laure ikakasal na sa Marso, ibinandera ang prenup

Pauline del Rosario - January 11, 2025 - 03:04 PM

Bugoy Cariño, EJ Laure ikakasal na sa Marso, ibinandera ang prenup

PHOTO: Instagram/@ennajielaure

ILANG buwan na lang ikakasal na ang aktor na si Bugoy Cariño sa longtime partner niyang volleyball player na si EJ Laure.

Excited nilang ibinandera sa social media na ang pag-iisang dibdib nila ay mangyayari na sa March 9!

Kalakip niyan ay proud nilang ipinakita sa buong universe ang nakakakilig nilang pre-nuptial photos.

Sa Instagram ni EJ, makikita na volleyball-themed ang pre-wedding photos nila kung saan ay matchy-matchy pa sila sa kanilang mga kasuotan.

Baka Bet Mo: Bugoy Cariño tinawag na ‘palamunin’, hinamon ang basher: Bigyan po kita pang palamon

“2 months to go (emojis) #sENNAallmayROGEL,” caption ng volleyball star sa post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ennajie Laure (@ennajielaure)

Ipinasilip din ni Bugoy ang kanilang prenup, ngunit hindi nakikita ang kanilang mukha, pero obvious na pareho silang nakaupo sa isang bench na napapaligiran ng mga volleyball.

“03.09.25 (bride, ring and groom emoji),” wika ng aktor na tinutukoy ang petsa ng kanilang wedding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bugoy Cariño (@iambugoycarino03)

Sa comment section, may ilang kapwa-celebrities ang bumati sa couple, kabilang na riyan sina Zeus Collins, at Mika Dela Cruz.

Kung matatandaan, taong 2020 kasabay ng 18th birthday ni EJ ay proud nilang ipinakilala sa publiko ang kanilang anak na si Scarlet.

Makalipas ang tatlong taon, nag-propose na ng kasal si Bugoy bilang regalo sa kanyang girlfriend at present pa nga sa special moment ang kanilang mga kaibigan at pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending