Bugoy Cariño nag-propose kay EJ Laure kasabay ng kanyang 21st birthday: 'Itong babaeng 'to, mamahalin ko hanggang dulo' | Bandera

Bugoy Cariño nag-propose kay EJ Laure kasabay ng kanyang 21st birthday: ‘Itong babaeng ‘to, mamahalin ko hanggang dulo’

Ervin Santiago |September 05,2023
facebook
share this

Bugoy Cariño nag-propose kay EJ Laure kasabay ng kanyang 21st birthday: ‘Itong babaeng ‘to, mamahalin ko hanggang dulo’

Ervin Santiago - September 05, 2023 - 11:42 AM

Bugoy Cariño nag-propose kay EJ Laure kasabay ng kanyang 21st birthday: 'Itong babaeng 'to, mamahalin ko hanggang dulo'

EJ Laure at Bugoy Carino

MAKALIPAS ang ilang taong pagsasama bilang partners in life, nag-propose na ang dating child star na si Bugoy Cariño sa volleyball player na si EJ Laure.

Naganap ang engagement ng celebrity couple sa mismong selebrasyon ng 21st birthday ni Bugoy nitong nagdaang Linggo, September 3.

Naging saksi sa marriage proposal ng actor-dancer kay EJ ang ilan nilang kapamilya at mga kaibigan, base na rin sa ipinost na mga litrato at video ng batang ama sa kanyang social media accounts.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ni-repost din ni Bugoy sa kanyang Instagram Stories ang mga video na kuha ng ilan niyang kaibigan sa naganap na engagement.

Sa isang video, mapapanood ang mismong eksena ng pagpo-propose ng aktor kay EJ, aniya, “Gusto ko lang sabihin at pagsigawan sa lahat ng mga kaibigan ko na nandito, kaya napaka-importante niyo sa akin, na itong babaeng ‘to, papakasalan ko.

Baka Bet Mo: Bugoy Cariño nawalan ng projects at mga raket sa showbiz nang makabuntis sa edad 16: ‘Sobrang panghihinayang po…’

“Itong babaeng ‘to, mamahalin ko hanggang dulo. Kaya maraming salamat sa pagpunta niyo,” aniya pa.

Kasunod nito, bigla na ngang lumuhod si Bugoy sa harap ng kanyang fiancée sabay dialogue ng, “Ennajie Cruz Laure, mahal na mahal kita. Will you marry me?”

Sumagot naman agad ng “Yes” ang volleyball player na sinundan ng hiyawan at malakas na palakpakan mula sa kanilang mga bisita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa isa pang video na in-upload ng dance coach na si Peter Lee Collado sa TikTok, makikitang naging emosyonal si EJ matapos ang proposal lalo na nang lumapit na sa kanila ni Bugoy ang five-year-old daughter nilang Scarlet.

Sa kanyang IG page, binati rin ni EJ si Bugoy noong kaarawan nito kalakip ang kanilang family photo.

Aniya sa caption, “Happy birthday mahal @iambugoycarino03 wish you all the best. andito lang ako to support you! Mahal na mahal ka namin ni @iamscarletcarino. enjoy ur day!!”

Sa naganap namang presscon ng pelikula ni Bugoy at ni Belle Mariano na “Huling Sayaw” nabanggit ng aktor na matagal na niyang planong pakasalan si EJ at naghihintay lang siya ng tamang panahon.

Bugoy Cariño sa pagiging batang ama: Hindi po ako natakot kahit menor de edad po ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bugoy Cariño umaming binalak ipalaglag ang anak: Masakit din na nu’ng naging tatay ako yung family ko hindi ko na natutulungan…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending