Bugoy Cariño umaming binalak ipalaglag ang anak: Masakit din na nu'ng naging tatay ako yung family ko hindi ko na natutulungan... | Bandera

Bugoy Cariño umaming binalak ipalaglag ang anak: Masakit din na nu’ng naging tatay ako yung family ko hindi ko na natutulungan…

Ervin Santiago |June 19,2022
facebook
share this

Bugoy Cariño umaming binalak ipalaglag ang anak: Masakit din na nu’ng naging tatay ako yung family ko hindi ko na natutulungan…

Ervin Santiago - June 19, 2022 - 03:24 PM

Bugoy Cariño, EJ Laure at Scarlet Cariño

“UNA po talaga ang desisyon namin ipalaglag na lang yung baby,” ang pag-amin ng dating child star na si Bugoy Cariño nang mabuntis ang girlfriend niyang volleyball player na si EJ Laure.

Pahayag ni Bugoy, ang unang naisip talaga niya nang malamang nagdadalang-tao si EJ ay ang ipa-abort ang sanggol dahil alam niyang maaapektuhan talaga ang showbiz career niya noon.

Sa Father’s Day vlog ng Kapamilya broadcaster na si Karen Davila, nagpakatotoo si Bugoy sa pagsasabing natakot siyang masira ang career niya kapag umaming magiging tatay na sa edad na 16.

Ayon kay Bugoy, 21 years old noon si EJ nang mabuntis niya at naglalaro pa noon para sa UST Tigresses, kaya talagang tuliro at gulung-gulo ang isip niya nu’ng mga panahong yun.

“‘Yun ‘yung time na parang ‘yung career ko is pataas na nang pataas so parang na-confuse ako sa sarili ko. Naisip ko na parang ang aga pala talaga. Nawala lahat sa akin, so masakit din sa part ko na nu’ng naging tatay ako, ‘yung family ko hindi ko na masyado natulungan,” simulang pahayag ni Bugoy
Patuloy niya, “Una po talaga ang desisyon namin ipalaglag na lang yung baby. Parang bata pa ko nun, hindi ko alam na buhay pala yung mawawala kapag ipinalaglag mo or something.

“Sabi ko sarili ko, o sige para lang mabalik yung career ko. Alang-alang sa family ko para makatulong ako talaga nang sobra at para mabalik yung mga shows na ibinigay sakin. Yung tiwala sa akin ng ABS, sige, ipalaglag na lang,” lahad ng dating “Goin’ Bulilit” star.

Pero after one week daw, naging malinaw na sa kanya ang sitwasyon at naisip niya na para na rin silang pumatay ng kung ipalalaglag nila ang kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bugoy Cariño (@iambugoycarino03)


“Kapag pinalaglag ko pala ito, parang itong yung isa sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ko sa buhay ko,” sabi ng batang ama.

Kasunod nito, talagang humugot siya ng tapang mula kay EJ at sa magiging anak nila para kausapin na ang kanyang parents kahit alam niyang galit na galit ang nga ito.

Hindi naman nabigo si Bugoy dahil mas tumapang at mas nagkaroon pa siya ng lakas ng loob nang makausap ang kanyang tatay na nasa Saudi Arabia.

“‘Bunso, kapag yan pinalaglag mo ang bata, huwag mo na kong tawaging tatay. Pag pinalaglag mo yan, di ka tunay na lalaki,’” sabi raw ng ama nang sabihin ang plano niyang ipalaglag ang bata.

Pumayag naman daw si EJ sa mga plano ni Bugoy para sa magiging baby nila pero kinailangan pa rin nilang harapin at tanggapin ang galit ng pamilya ng atleta na matagal din silang hindi kinausap.

Naaalala pa nga raw ni Bugoy na palagi lang siyang nakayuko kapag kasama ang pamilya ni EJ dahil sa matinding kahihiyan.

Samantala, muling ipinagtanggol ng young actor si EJ sa mga bashers na nagsasabing kasalanan daw ng volleyball player ang mga nangyari dahil alam naman daw nito na menor de edad pa siya noong magkarelasyon sila.

“Nakikita ko po ‘yung mga sinasabi ng mga tao na dapat kasuhan si EJ, kasi nga minor ako, hindi naman po sila ‘yung magkakaso e, dapat ako ‘yung magkakaso kay EJ kasi ako ‘yung minor.

“Pinili ko po na gusto ko maging masaya na lang. Gusto ko na maging parte ng buhay ko si EJ.

“Hindi ako masisisi ng tao. Hindi masisisi si EJ ng mga tao kung bakit di pinigilan ang sarili. Ako po talaga ang may gusto kay EJ.

“So, sabi ko sa kanya, ‘wag mo na pansinin. Pagdating naman ng panahon wala na yan eh. Magbabago din isip nila,” ani Bugoy.

At kahit nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng balita na nakabuntis siya, nagawa pa rin ni Bugoy na alagaan at buhayin ang kanyang mag-ina.

Pinasok ng aktor ang pagnenegosyo at nakapagpatayo ng mineral water station gamit ang naipon niyang pera mula sa showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinasok din niya ang online selling na isa sa mga pinagkukunan nila ng panggastos para sa pangangailangan ng anak nila ni EJ na si Scarlet.

Dyowa ni Bugoy inokray, pati boobs nilait: Hindi mo kailangang magdyowa ng may malaking ‘cocomelon’

Kyle Echarri idol na idol si Bugoy Drilon

Kris Bernal naiyak nang tanungin ukol sa non-renewal ng contract sa GMA: I feel like I was a failure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending