Igi Boy Flores graduate na: ‘Ito ang bubuo sa hinahanap kong pagkukulang!’
IPINAGMAMALAKI ng dating “Goin’ Bulilit” star na si Igi Boy Flores ang latest milestone niya sa buhay.
Naka-graduate na kasi siya ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management sa AMA University Online Education.
Sa Instagram, masayang ibinandera ng aktor ang kanyang graduation pictures.
Ang bungad pa niya sa caption, “I FINALLY MADE IT!”
Sey niya pa, “Lagi kong sinasabi sa mga kabataan at co-actors ko kung gaano ka-importante ang edukasyon. Ngayon, mas lalo ko na itong maipagmamalaki dahil nakatapos na ako, sa wakas.”
Baka Bet Mo: Nash, Mika feeling sentimental sa pagbabalik ng ‘Goin Bulilit’
Inalala rin ni Igi Boy ang dahilan kung bakit hindi pa siya nag-aral noon: “Hindi maganda ang mindset ko noon. Ang nasa isip ko dati, ‘Bakit pa ako mag-aaral kung may maayos na trabaho na ako ngayon’ kaya hindi ko napagtuunan ng panahon ‘yung early college days ko sa ibang pamantasan.”
“Nang medyo nagkaka-edad na tayo, doon ko napag isip-isip na may kulang, hindi ako buo,” paliwanag niya.
Dagdag niya, “Ano pa ba ang pwede kong iambag sa lipunan maliban sa pagpapasaya ng mga tao sa pamamagitan ng pag-arte at komedya? Dun ko naisip na ang pagtatapos ng pag-aaral ang bubuo sa hinahanap kong pagkukulang.”
“Unang-una, gusto kong magpasalamat sa Diyos at binigyan niya ako ng maraming pagkakataon na matapos ko ang aking pag-aaral at sa mga blessings na ibinigay at patuloy nyang ibinibigay sa akin,” aniya pa.
Bukod diyan, nagpasalamat din siya sa kanyang mga professor, pamilya, kaibigan at kapwa-artista, kabilang na si Sharlene San Pedro.
View this post on Instagram
Para sa mga hindi aware, si Igi Boy ang isa sa original cast ng “Goin Bulilit” noong 2005 kasama sina Sharlene, Jane Oineza, Miles Ocampo, Nash Aguas, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.