Nash, Mika feeling sentimental sa pagbabalik ng 'Goin Bulilit'

Nash, Mika feeling sentimental sa pagbabalik ng ‘Goin Bulilit’

Ervin Santiago - June 24, 2024 - 12:35 AM

Nash, Mika feeling sentimental sa pagbabalik ng 'Goin Bulilit'

Mika dela Cruz at Nash Aguas kasama ang mga dating katrabaho at mga batang bibida sa ‘Goin Bulilit’

FEELING “nostalgic and sentimental” ang bagong kasal na sina Mika Dela Cruz at Nash Aguas nang mabigyan ng chance na bumisita sa set ng bagong version ng “Goin Bulilit“.

Yes, tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik sa telebisyon ng kiddie gag show ng ABS-CBN kasama ang bagong batch ng makukulit at talentadong mga bagets.

Siyempre, masayang-masaya at excited na rin sina Nash at Mika sa muling pag-ere ng “Goin Bulilit” kung saan din nagsimula ang kanilang showbiz career.

Baka Bet Mo: Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz

“Grabe sobrang nostalgic po, hindi kami maka-focus ni Nash eh, tawa lang kami nang tawa dahil hindi kami makapaniwala na kami ‘yun, grabe ang sarap sa pakiramdam na GB is back!” ang pahayag ni Mika sa panayam ng ABS-CBN sa pagbisita nila sa studio ng show.

“Big part of, hindi lang big part eh’, talagang childhood namin ‘yung bumalik, so makita namin na bumalik siya (Goin Bulilit) parang never nawala ganu’n ‘yung pakiramdam,” sey naman ni Nash.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mika dela cruz まりこ (@mikadlacruz)


Sa pagbisita nila sa taping ng show, nakita at nakasama nila uli ang production staff na nakatrabaho nila noong mga bata pa sila.

“Grabe ang saya po. Actually before this, nagkakaroon na kami ng opportunities na magkita-kita so masaya po and excited kami na-miss namin silang lahat definitely and excited rin kami kasi mukhang nakaka-build na rin ng friendships ‘yung mga bata,” pahayag bi Mika.

“Very excited and at the same time since nakita namin ang mga dati naming katrabaho ulit and everyone hanggang sa crew walang pinagbago halos sila pa rin so to see your family na intact pa rin after so many years it says a lot about the group,” dagdag pa ng wifey ni Nash.

Nagbigay din ng advice ang young couple sa mga batang sasabak sa bagong “Goin Bulilit”.

“Siguro sa akin, just enjoy the ride it goes by so quickly. And darating rin ang inyong graduation, kaya just enjoy it.

Baka Bet Mo: Mika, Nash naghiwalay ng 6 na buwan, nanghingi ng ‘sign’ bago magbalikan

“And along the way, marami talaga kayong matututunan hindi lang professionally, but at the same time, alagaan niyo ang mga friendships na mabubuo niyo dito sa ‘Goin Bulilit’.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mika dela cruz まりこ (@mikadlacruz)


“Respetuhin n’yo ang mga staff natin, ‘yung pinaka core ng ‘Goin Bulilit’ dahil iba silang mag-alaga, iba silang mag-mahal so ayun lang just enjoy it, i-savour n’yo lahat ng matutunan niyo dahil definitely, magagamit niyo ‘to, hindi lang sa work even sa personal lives,” dagdag ni Mika.

“You’re in good hands, tama si Misis, enjoy niyo lang,” pagsang-ayon naman ni Nash sa mensahe ng asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na sa July 1, ang “Goin Bulilit”, Mondays to Sundays bago mag- “TV Patrol.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending