Mika, Nash naghiwalay ng 6 na buwan bago nagpakasal

Mika, Nash naghiwalay ng 6 na buwan, nanghingi ng ‘sign’ bago magbalikan

Reggee Bonoan - June 04, 2024 - 07:07 AM

Mika, Nash naghiwalay ng 6 na buwan, nanghingi ng 'sign' bago magbalikan

Nash Aguas at Mika dela Cruz

SA eksklusibong panayam ni Bernadette Sembrano para sa kanyang YouTube channel, umamin sina Nash Aguas at Mika dela Cruz na nagkaroon sila ng matinding problema bago ikinasal.

Anim na taon daw silang naging magdyowa at may pagkakataon na nag-break sila. Sabi nga ni Nash, “Surprise!  Ha-hahahaha.”

Sabi ni Badette (tawag namin kay Bernadette), “Nag-break sila ng anim na buwan. Bakit hindi ninyo sinabi sa ibang tao na nag-break kayo? Usually masi-share mo ‘yun sa friends, di ba?”

Mabilis na sagot ni Nash, “Hindi naman po kasi kami sa kanila (ibang tao) nakipag-break, kaming dalawa lang kaya why we include other people?”

Baka Bet Mo: Nash Aguas handa nang pakasalan si Mika dela Cruz anytime, pero…

“I think with the process po to deal with the pain, kay Lord lang po talaga (nagsabi) even sa sister (Angelika dela Cruz) ko hindi po ako nagpakita na umiiyak sa kanya and I’ve always say I’m gonna be okay,” sambit ni Mika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tanging ang Diyos lang ang naging takbuhan ni Mika sa lahat ng pinagdaanan ng relasyon nila ni Nash at sa Kanya rin siya nanghingi ng mga senyales.

Nang maghiwalay sila ay inamin ni Nash na, “I was really lost din at ang purpose ko talaga is with God lang talaga ako may peace inspite of the fame, money, politics, walang peace.

“Nu’ng bumalik ako sa church at nagkaroon ako ng faith ulit at ito rin ‘yung marami kaming discussion at ang tagal ko ng gustong mag-propose pero ang daming hindrances,” sabi pa ng aktor at negosyante.

“Opo, we love each other okay na pero hindi matulut-tuloy (proposal), hindi po namin alam,” saad ni Mika.

Sabi pa ni Mrs. Aguas, nagkaroon siya ng ‘tampo’ kay God dahil sa panahong may dinadaanan siya noong pandemya dahil namatay ang Daddy niyang si Ginoong Ernie dela Cruz, wala siyang trabaho, tapos nag-aaral pa siya pero hindi makapag-concentrate.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia napa-react sa viral video nina Jean at Nash noon: Ma, kalmahan mo lang

At saka naman sila nagkagulo ni Nash at ‘yung time na iyon ay napansin din niya ang pagbabago ng asawa na dati kapag may tampuhan sila ay kaagad siyang pimupuntahan mula sa Cavite hanggang Malabon kahit madaling araw pa para lang pag-usapan nila ang problema.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by La Belle Fête (@labellefete)


“At that time po hindi, e, so ang laki ng pagbabago iyon pala may relationship na siya kay God at sinurender na niya lahat at sabi niya huwag ko na siya isipin, ang mahalaga magkaoon ako ng relationship kay God,” balik-tanaw ni Mika.

Dagdag pa, “Nu’ng finally wala na siya (Nash) sa heart ko, bigla kaming nagkikita out of nowhere,” sabi ng aktres.

Kahit hiwalay na ay nagkikita sila by chance dahil sa mga okasyon na dinadaluhan nila na hindi nila alam sa isa’t isa na kagagawan pala ng mommy nila na super close.

At ang senyales na hiningi ni Mika na may sagot, “Nu’ng birthday (December 9) ko po, I want to invite my family for dinner, tapos nu’ng time na ‘yun very busy po sila lahat. Sabi ko, ‘Lord, sino invite ko sa birthday ko? Gusto ko sana mag-Ocean Park magsalu-salo po.

“Tapos ‘yung second family ko po (pamilya ni Nash) we remain as friends po talaga never kaming nagkaroon ng masamang tinapay.

“After that po, it happened na they (Nash’s family) were there sa birthday ko and then na- aksidente po siya, hindi siya nakapunta nabali po ang kamay niya,” kuwento ni Mika

“Na-dislocate at inoperahan ako that day,” sabi naman ni Nash.

“Parang na-confuse ako, parang mabigat ano po ba? I he meant for my life (for me). And then around December 13 po, I prayed po I asked God. Sabi ko ‘Lord, you wanted us to surrender each other then we surrendered it (bakit) parang binabalik po ninyo?

“So, I’m confused, please guard my heart. Is he my husband? After I asked, ‘Is he my husband? Siya po ba ang pangalang sinulat mo katabi ko nu’ng pinanganak mo kami.

“After I asked, subukan ko kaya magtanong.

“Baka po puwedeng siya? I asked talaga alam naman ni Lord ang laman ng heart ko because You know much I love him, You know how much he loves me. Pero kung hindi, Lord kahit nag-e-enjoy ako na nagkikita kami lately okay lang po, please remove him immediately.

“At very clear ang sagot niya (God) po nagising na lang ako nag-vibrate ang phone ko, it was him (Nash).

“Sabi niya, ‘Hello, good morning! I was convicted by the Spirit to tell this to you.’ Tapos may verse siyang nilagay sa dulo, akalain mo ‘yung first word ng verse ay ‘yes.’

“I asked God, ‘Is he my husband?’ Sinagot Niya ng ‘yes.’

“I asked Him, ‘Baka puwedeng siya?’ Sinagot Niya ng ‘Anything in my name and I will do it for you! Right then and there, alam ko na, siya po ‘yung mapapangasawa ko” emosyonal na kuwento ni Mika.

Biglang natawa pang kuwento ni Mika na walang alam si Nash sa mga tinanong niya kay God na sinagot naman dahil kampante na siya at sinabi niya ito sa lola at mommy ni Nash at sa mama Angelika Egger at ate Angelika niya na huwag na silang mag-aalala dahil sinagot na ang tanong niya na si Nash ang mapapangasawa niya at wag daw banggitin muna ito until ikasal sila.

“Wala naman po akong reaksyon noong nag-text ako, NR kasi nga po may wall pa ako. Tapos December po inimbita siya ng family ko for Noche Buena sabi ko, ‘mom naman bakit inimbita mo pa, e, hirap na hirap na nga ako tapos kailangang magbigay ng gift kasi nandoon sila kaya nag-pray ako.

“Sabi ko, “Lord ano po bang gift ang puwedeng ibigay na hindi mixed signals.  E, merong nag-stand out sa akin na clock siya na may nakalagay na, ‘God made has made everything beautiful in it’s own time,” balik-alaala ni Nash.

At ‘yung regalo rin daw sa kanya ni Mika ay halos kapareho rin ng sinasabi sa regalo nila na tungkol naman sa marriage.

Nag-propose si Nash umaga ng December 25 dahil base lahat iyon sa senyales na ipinakita sa kanya through verses from the Bible at ang huling sagot sa tanong kung si Mika ang mapapangasawa, ay nasa Proverbs 5:18, “Rejoice in the wife of your dreams.”

Sagot ni Mika, “Kaya po May 18 (ikinasal sila ni Nash).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ginanap ang Christian wedding ng dalawa sa Tagaytay City noong Mayo 18, 2024 na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending