Nash Aguas handa nang pakasalan si Mika dela Cruz anytime, pero... Bandera

Nash Aguas handa nang pakasalan si Mika dela Cruz anytime, pero…

Reggee Bonoan |July 31,2022
share this

Nash Aguas handa nang pakasalan si Mika dela Cruz anytime, pero…

Reggee Bonoan July 31, 2022 - 06:54 PM

Nash Aguas at Mika dela Cruz

KAHIT konsehal na ng Cavite City ang aktor na si Nash Aguas o Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas sa tunay na buhay ay nakatira pa rin siya sa bahay ng kanyang lola  kasama ang ina.

“Actually po meron naman akong puwedeng tirhan pero pinipili ko pa rin kay Mamang (lola) ayaw ko pa ring humiwalay kay mamang,” nakangiting sabi ng binata sa panayam ng news anchor na si Bernadette Sembrano para sa kanyang YouTube channel.

Hirit ni Badette, “E, baka dito kayo tumira ni Mika (dela Cruz) balang araw?”

“Hindi na po,” mabilis na sagot ni Konsi Nash.

View this post on Instagram

A post shared by Aeign Zackrey Nash Aguas (@zackwey)


May mga nabili nang lupa ang batang konsehal at isa rito ay patatayuan niya ng bahay para sa future family niya at inamin niyang si Mika na nga ito, ang bunsong kapatid ni Longos, Malabon City Barangay Chariman Angelika dela Cruz.

“Siyempre mayroong bahay bago man lang magpakasal,” sabi pa ng aktor-politiko.

Marunong humawak sa kinikita niya ang mama ni Nash simula bata at nang tumuntong siya ng 18 years old ay siya na ang humahawak at nagdedesisyon sa mga kinita niya at inuna niyang bumili ng bahay sa Amerika para kapag nagpupunta sila roong pamilya ay may matutuluyan sila at hindi nakikitira o magrerenta ng hotel.

Bukod dito ay nagtayo ng Muramen business si Nash na ang huling alam namin noong nakausap namin siya ay may 12 branches na dahil in-open niya ito for franchise.

“Hindi rin naman po ako makakapag-ipon kung wala ako sa poder nila kaya sobrang laki ng bahagi sa akin nina Mamang at Mama kaya I’m very thankful din sa kanila dahil hindi nila ako pinabayaan,” pahayag nito.

Sobrang hanga si Bernadette kay Nash dahil sa ibang kasing-edad niyang artista ay paramihan ng magagarang kotse, magagandang bags, o materyal na bagay.

“Pero ikaw (Nash)?” tanong nito sa binata.

“Paramihan ng lupa. Ha-hahaha!” ang tila nahiyang sambit ng negosyanteng boyfriend ni Mika.

Bihirang bumili ng mamahaling gamit si Nash at napansin din namin ito noong aktibo pa siya sa showbiz pero pagdating sa lola niya ay all out naman siya.

Ipinagmamalaki ng Mamang niya na binilhan siya ng nasa 75 inches Smart TV at sorpresa raw nila iyon ni Mika.

Samantala, ipinakita ni Konsi Nash ang old house na pinare-renovate nila ni Mika bilang investment dahil papaupahan nila ito na gandang-ganda si Badette dahil sa harapan ng gate ay may puno ng Bougainvillea na nagmukhang arko.

“I love it! Huwag mong papaputulan ito,” sambit ng content creator.

Pagpasok ay namangha si Bernadette dahil ang ganda ng kulay ng pintura at disenyo na ayon kay Nash ay si Mika lahat ang nangasiwa dahil wala siyang alam sa interior design.

“Si Mika po lahat ang nag-design, nag-conceptualize. Parang ano po, ‘yung sa Greece, ano nga tawag do’n?  Santorini ang peg,” pagtatapat ng binata.

“Bakit si Mika ang nagde-decide?” balik-tanong ni Badette.

“Kasi po siya ‘yung boss. Ha-hahaha!” tumawang sagot ng boyfie ng aktres.

Tatlong pintong apartment ang ginagawa na papaupahan soon kaya bilib si Bernadette dahil sa edad na 23 ay napakarami nang achievements at investments ni Nash kasama si Mika bukod pa sa mga negosyo.

“Ang reason ko po roon siyempre kapag bata kang nagtrabaho, maaga kang matatapos, maaga kang makakapag-enjoy,” katwiran nito.

Paano mae-enjoy ni Nash ang kanyang buhay ngayong pumasokn na rin siya sa politika?

“Para sa akin po fulfillment ‘yun.  ‘Yun ang enjoy ko kapag may nagagawa ako for the City hindi trabaho.  Made-dedicate ko na ‘yung time ko sa iba hindi lang sa sarili,” paliwanag ni Konsi Nash.

Sa tanong kung kailan magpapakasal sina Nash at Mika, sinabi ng binata na anytime ay ready na siya, ang dalaga lang ang hinihintay niya kung kailan ito magiging handa na pasukin ang bagong chapter ng buhay nila.

Naikuwento rin ng lola ni Nash na hindi pa magkarelasyon ang dalawa noon ay gustung-gusto na niya ang dalaga kaya nu’ng nalaman niyang nanliligaw na ang apo kay Mika ay talagang sobrang tuwa niya at sinabihan niya kaagad na bigyan na ng singsing ang aktres.

Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz

Nanay ni Mika dela Cruz natawa lang sa tsismis na nabuntis ni Nash Aguas ang anak

Alexa Ilacad kay Nash Aguas: We’re not friends, pero napatawad ko na siya kahit hindi siya nag-sorry

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending