Bernadette, Julius nanghihinayang matapos arestuhin si John Wayne
IBINANDERA ng veteran broadcaster-journalist na sina Bernadette Sembrano at Julius Babao ang kanilang saloobin matapos mabalitaan ang nangyari sa dating aktor na si John Wayne Sace.
Magugunita noong October 28 nang arestuhin si John Wayne ng Pasig City Police bilang pangunahing suspek sa umano’y pamamaril sa kaibigan at kababata na si Lynell Eugenio.
Apat na tama ng bala mula sa kalibre 45 na baril ang kumitil umano sa buhay ng biktima.
Sa Instagram, sinabi ni Bernadette na last year lamang niya na-interview si John Wayne at inamin na nahirapan siyang intindihin ang mga sinasabi nito.
“His answers were coming from somewhere unfamiliar to me, so I allowed him to express himself, but at the end of the interview — it was a challenge to process what the takeaway was,” caption niya, kalakip ang picture ng binata.
Baka Bet Mo: John Wayne takot na takot nang mapasama sa drug watchlist: Napraning ako kasi nagkakapatayan na
Sey niya, “The recent developments — he allegedly killed someone — suddenly gave context to my time with John Wayne. Comments from the interview said he was high on something — marami ang galit sa droga. Some expressed compassion. Ang iba, panghihinayang. Sayang.”
“I asked him during the interview what the next chapter was for him. He talked about being at peace, fear for his family…When I asked him what’s next for John Wayne, he didn’t envision this,” patuloy pa sa post ni Bernadette.
Dahil daw sa nangyari sa aktor ay ngayon lang niya napagtanto ang mga binitiwan nitong hugot sa panayam.
“Reflecting on that day, I now see the weight he carried and the internal battles he faced. Perhaps he was trying to make sense of his own path, even as it unraveled,” ani pa ng broadcaster.
View this post on Instagram
Kahit si Julius, nanghihinayang sa naging kapalaran ni John Wayne.
“Ilang beses namin siyang inalok na magpa-rehab at lumayo sa lugar na kanyang tinitirahan subalit ilang beses siyang tumatanggi,” pagbubunyag niya sa IG.
Wika pa niya, “Ang hirap ng sitwasyon ni John Wayne lalo’t inaakusahan siyang pumatay ng isang padre de pamilya.”
“Subalit higit na mas mahirap ang kalagayan ng biktima at ng kanyang pamilya na sumisigaw ng katarungan. Tayo po ay nakikiramay sa pamilya ng biktima,” dagdag niya.
Aniya pa, “Tanging hukuman na lamang ang makakasagot sa mga tanong na naglalaro sa ating mga isipan.”
View this post on Instagram
Ang interview ni Julius sa actor ay ibinandera sa kanyang YouTube vlog October last year.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.