Nash may na-feel nang 'something' kay Mika sa edad na 9

Nash Aguas may na-feel nang ‘something’ kay Mika dela Cruz sa edad na 9

Ervin Santiago - May 23, 2024 - 08:42 AM

Nash Aguas may na-feel nang 'something' kay Mika dela Cruz sa edad na 9

Nash Aguas at Mika dela Cruz

NINE years old pa lang ay may na-feel nang “something” si Nash Aguas para sa kanyang childhood sweetheart na si Mika dela Cruz.

Hindi pa raw siyempre niya maintindihan noon ang kanyang nararamdaman para kay Mika pero knows daw niya na hindi lamang ito basta “crush.”

Napanood namin ang ipinost na video ng Nice Print Photography sa kanilang official Instagram page kung saan mapapanood ang ilang naging kaganapan sa wedding nina Mika at Nash.

Baka Bet Mo: Donita Rose pang-finale sa ‘That’s Acting’ noon: Palagi akong palpak!

Naganap ito last May 18 sa Adriano’s Events Place sa Tagaytay na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan in and out of showbiz industry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mapapanood sa naturang same-day-edit video ang mga nangyari sa kasalan, mula sa preparasyon, wedding vows, hanggang sa first kiss nina Nash at Mika bilang bagong-kasal.

Parehong naging emosyonal ang mag-asawa sa pagbibigay nila ng wedding vows sa isa’t isa, lalo na si Nash na hindi talaga napigilan ang maluha.

“Thank you God for allowing me to fall in love with such an amazing woman,” ang simulang mensahe ni Nash para sa kanyang bride.

Baka Bet Mo: Nash Aguas handa nang pakasalan si Mika dela Cruz anytime, pero…

Taong 2007 daw nang una silang magkita ni Mika, “I remembered the joy I had whenever I hold her and just wanting to be with her all the time.

“We were nine, 10 years old… I didn’t know back then but looking back, it was definitely more than just a crush,” pahayag pa ni Nash.

Sumunod namang nagbigay ng kanyang wedding vow si Mika sa kanyang groom, “I guess my heart always knew that one day I would end up marrying you.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I still can’t believe that day has finally come true. God allowed our paths to cross May of 2007 and here we are May 2024, 17 years later about to become one,” aniya pa.

Nauna rito, kasabay ng pagpapakasal nina Mika at Nash ay ang pagkalat ng chika na buntis na raw ang dating child actress.

May mga netizens ang nagkomento na baka raw totoong pregnant na si Mika kaya nagdesisyon na sila ng kanyang long-time boyfriend na magpakasal na.

Maraming nagulat na fans sa pagpapakasal nina Nash at Mika dahil wala man lang silang inilabas na announcement at hindi rin aware ang madlang pipol na engaged na sila.

At dito nga nagsimulang kumalat ang espekulasyon ng mga netizens na baka nga nagdadalang-tao si Mika sa first baby nila ni Nash.

May isang Facebook page pa nga ang nagkumpirmang buntis na raw ang Kapuso actress at “double blessing” ang ipinagdiwang nina Mika at Nash — ang kanilang kasal at ang pagkakaroon ng anak.

Nag-post pa ang naturang FB page ng litrato nina Mika at Nash na kuha sa reception ng kanilang wedding. Dito makikita na sinasapo ng bride ang kanyang tummy na akala mo’y buntis.

Ang nakalagay na caption sa post ay, “And we are having a baby….?? Double blessings para kina Nash Aguas & Mika Dela Cruz! Nakakaexcite ang bagong milestone na ito!”

Kasunod nito ang pagdedenay naman ng ate ni Mika na si Angelika dela Cruz sa kumakalat na chikang buntis na ang kanyang kapatid kaya agad na nagpakasal kay Nash.

Sa pamamagitan din ng Facebook nilinaw ni Angelika ang tsismis. Ni-repost ni Angelika ang FB page na nagpapakalat ng fake news.

Mensahe ni Angelika, “My sister is not pregnant po please make sure na totoo bago po kayo mag post Salamat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“How I wish totoo…Mika Dela Cruz pls baby girl ah Wala Pa tayo babae sa family,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending