Donita pang-finale sa 'That's Acting' noon: Palagi akong palpak!

Donita Rose pang-finale sa ‘That’s Acting’ noon: Palagi akong palpak!

Ervin Santiago |March 11,2024
facebook
share this

Donita Rose pang-finale sa ‘That’s Acting’ noon: Palagi akong palpak!

Ervin Santiago - March 11, 2024 - 07:56 AM

Donita Rose pang-finale sa 'That's Acting' noon: Palagi akong palpak!

Donita Rose

NEVER naisip o na-feel ng TV host-actress na si Donita Rose na maganda siya noong kanyang kabataan.

Sa katunayan, lumaki siyang mahiyain at mababa ang self-confidence kahit na palagi siyang sinasabihan ng mga tao na mukha siyang manika.

“When I was a little girl I would always remember na sinasabi talaga sa akin ng mga tao, ‘Mukha kang manika.’

“In my mind yes, but as I got older I got more awkward as a teenager,” pahayag ni Donita sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”.

Natatandaan pa raw ng dating MTV VJ ang isang schoolmate siya noon na half-Filipina at half-American din na sikat na sikat sa kanilang eskuwelahan.

Baka Bet Mo: Donita Rose napilitang pumunta sa US dahil sa kawalan ng trabaho sa Pinas

“Siya raw kasi ang itinuturing na  “kakambal” ng girl, “We look exactly alike, pero ako ‘yung pinakamahiyain.”

Mas lalo pang naapektuhan ang pagkakaroon niya ng mababang kumpiyansa sa sarili nang sumabak na siya sa mundo ng showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Marami raw kasi ang nagduda sa kanyang kakayahan bilang artista. May mga nagkokomento na tisay lang daw siya at walang talent.

“Noong nag-showbiz ako, na-discover ako sa showbiz, lahat nagtaka ‘Huh! Bakit siya? Wala naman siyang mga kaibigan…’ parang hindi ako deserving mag-artista,” sabi ni Donita.

Baka Bet Mo: Donita Rose may pa-dyowa reveal: That’s Felson Palad for you peeps

Ang maging claim to fame niya noon ay ang pagko-comedy, “But when eventually with showbiz, nag-umpisa ako bilang comedian dahil hindi ako magaling mag-Tagalog.

“Ako ‘yung pang-finale ng That’s Entertainment doon sa ‘That’s Acting’ dahil laging palpak. Alam nila ‘yon. Natatawa sila.

“Hanggang sa nabi-build ‘yung confidence ko, and then I ended up doing Over Da Bakod and all of these other things. I think with time nagkaroon ako ng confidence,” kuwento pa ni Donita.

Pero kahit na gumagawa na siya noon ng sarili niyang pangalan, hindi pa rin daw  niya itinuturing na “beautiful” ang kanyang sarili

“But in my mind, I don’t really consider myself beautiful. I consider myself like a beautiful soul, but not beautiful,” sabi ng aktres.

Reaksyon naman ni Tito Boy, “You’re both!” Na sinagot ni Donita ng, “Well, maybe now I can accept that more, but not so much before.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, marami ang nagre-request na fans na sana’y mabigyan uli ng chance si Donita na umarte sa teleserye at pelikula. Feeling nila may ibubuga pa rin siya pagdating sa aktingan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending