Donita Rose may pa-dyowa reveal: That’s Felson Palad for you peeps
MULA sa ilang taong pagiging single ay may bago na ngang nagpapatibok sa puso ng TV host-actress na si Donita Rose.
Marami na ang na-curious nang mag-post ito ng larawan sa Instagram noong March 27 kung saan isang lalaki ang makikitang tila nagtatago sa likod niya.
“I think it’s safe to say I’m seeing someone,” caption ni Donita Rose.
View this post on Instagram
Ito ang unang pagkakataon na nagpahiwatig si Donita na may nagpapasaya na sa kanya.
Nitong Huwebes, April 6 ay muli siyang nag-post ng larawan nila ng lalaki na pinaniniwalaang iisa lang sa lalaking nauna niyang i-post.
“The grass seems greener these days, or is it just me?” caption ng TV host-actress.
At finally nga ay hindi na manghuhula ang mga Marites dahil isinapubliko na ni Donita kung sino ang kanyang non-showbiz dyowa.
Ito ay si Felson Palad na napag-alaman naming isa palang singer base na rin sa reply ng aktres sa isa sa kanyang mga followers.
Sa post ni Donita kahapon, April 7, ikinuwento niya na tinawagan daw siya ng kanyang boyfriend para ipaalam na nag-post rin siya ng kanilang mga larawan sa sariling IG account.
“After my last post yesterday, this guy called to say he posted these photos. When I saw them, I laughed so hard and asked, ‘Why this as an introduction photo?’ His response: ‘Para habang tumatagal pumopogi ako.’
“I almost died laughing. That’s @felsonpalad for you peeps,” saad ni Donita.
View this post on Instagram
Super happy naman na nag-comment ang kanyang matalik na kaibigan na si Ruffa Gutierrez.
“Awwwwww!!! Happy for you, Dee!! (heart emojis) smileeeeee and laugh!!” sey ni Ruffa.
Reply naman ni Donita, “Akala mo ikaw lang? (laughing emojis)”
Siguro ay si Herbert Bautista ang tinutukoy nito dahil si Bistek lang naman ang nali-link ngayon at napapabalitang nakakapalagayan ng loob ni Ruffa.
Related Chika:
Donita Rose napilitang pumunta sa US dahil sa kawalan ng trabaho sa Pinas
Donita Rose certified chef na sa Amerika; may mga pasabog kasama si G Tongi
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.