Ruffa Gutierrez sinusuyo, nais ulit pakasalan ni Yilmaz Bektas?

Ruffa Gutierrez, Yilmaz Bektas
MATAPOS ang matagal na hindi pagkakaunawaan, masaya si Ruffa Gutierrez na muling nagkita at nagkaayos ang kanyang mga anak at ang kanilang ama na si Yilmaz Bektas.
Ang pag-amin na ito ay matapos siyang pagkaguluhan ng ilang entertainment sa isang event na ibinandera ni Rose GarciaFab sa YouTube.
“Well, it’s been two years since they’ve been reconnected with their father and I’m very happy na they’re more at ease,” sey ng celebrity mom.
Patuloy niya, “‘Yung pain na nakita ko sa heart nila for how many years nawala. And I’m just so happy with my daughters because they now have a personal relationship with their dad.”
Baka Bet Mo: Ruffa hindi pa sure kung mag-aasawa uli: All I know is, I’m not going to end up alone, ipinagdarasal ko yan
“Kami rin ni Yilmaz, okay rin kami. Minsan nagbibiruan kami. Nagpapadala na rin siya ng ano [pera]. So happy kaming lahat,” pag-amin pa ni Ruffa.
Nang tanungin naman siya kung bakit “boss” ang tawag sa kanya ng dating asawa na kinakiligan ng maraming netizens recently.
“Kasi ako ang boss niya. Hindi siya makahanap ng isang katulad ko. Hanap siya nang hanap sa buong mundo,” sagot ng beauty queen-actress.
Pagbubunyag din niya, “As a matter of fact, he wanted to propose and get married to me again. And I thought it was a joke. Gusto niya akong yayain mag-train.”
Ayon kay Ruffa, ang sinabi ni Yilmaz ay tatlong buwan na ang nakalipas.
Kwento pa ni Ruffa, iniimbitahan siya ni Yilmaz na bumiyahe kasama ito sa isang tren upang libutin ang buong Europe.
“Sabi ko, ‘is this a joke?’ [sabi niya], ‘No, I want to invite you to be in a train with me’…So sabi ko, totoo ba ‘to or baka he’s planning my murder on a [train],” natatawang chika ni Ruffa.
“Tapos sabi niya, ‘Okay I’ll visit you nalang there.’ So sabi ko, ‘You’re welcome to visit the Philippines’,” pagbabahagi niya.
Ayon kay Ruffa, may balak bumisita si Yilmaz sa Pilipinas ngayong taon.
Bagamat tila nagpapahiwatig ng interes si Yilmaz na muling bumuo ng relasyon kay Ruffa, nilinaw ng aktres na hindi ito nangangahulugang nililigawan siyang muli ng Turkish businessman.
“I don’t say he’s courting me again. At least we’ve come to that decision and that time with our lives that we can joke and be happy with one another,” sambit niya.
Mensahe niya sa huli, “Ano nalang, I always wish Yilmaz well. I always wish him well and I always wish he becomes successful in life kasi his success is also the success of my kids.”
Kung matatandaan, March 2003 nang magpakasal sina Yilmaz at Ruffa ngunit naghiwalay rin matapos ang apat na taon.
Taong 2012 naman nang tuluyang ma-annul ang kanilang kasal.
February 2021 nang muling magdesisyon sina Ruffa at Yilmaz na mag-reconnect para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak na sina Venice at Lorin Bektas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.