Ruffa Gutierrez napatawad na si Yilmaz Bektas, may tsansa nga bang mag-'comeback'? | Bandera

Ruffa Gutierrez napatawad na si Yilmaz Bektas, may tsansa nga bang mag-‘comeback’?

Therese Arceo |July 16,2022
facebook
share this

Ruffa Gutierrez napatawad na si Yilmaz Bektas, may tsansa nga bang mag-‘comeback’?

Therese Arceo - July 16, 2022 - 12:01 PM

AMINADO ang aktres na si Ruffa Gutierrez na napatawad na niya ang kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas.

Sa kanyang interview kay Dra. Vicki Belo sa YouTube channel nito, ilinuwento niya na maraming nangyari matapos ang muling pag-uusap nila ng ama ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.

Kwento ni Ruffa, matagal na raw niyang napatawad ang dating asawa mula sa mga nangyari noon sa kanilang relasyon.

Sinabi rin niya na wala na ang takot sa kanyang dibdib hindi gaya noon. Inilarawan pa nga ng aktres na “dark days” niya ang kanyang pananatili sa Istanbul.

“If I was fearful, then I wouldn’t send them. I sent Lorin and Venice to Istanbul,” pagbabahagi ni Ruffa.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay nagkaroon ng reunion ang mag-aama matapos ang 15 years na hindi pagkikita.

“They haven’t seen their dad since we left Istanbul. This is wayback 2006 and he came to visit one time but since then the kids never saw him,” saad ni Ruffa.

Nagkaroon kasi ng rule ang aktres na kung gusto nitong makita ang kanyang mga anak ay dapat bumisita ito sa Pilipinas o sa anumang bansa huwag lang sa balwarte ng dating asawa.

“I just told Yilmaz na if you wanna see your kids, come and visit them in the Philippines or we meet in a neutral country like United States, Europre, anywhere basta huwag muna sa Turkey,” sabi ni Ruffa.

Dagdag pa niya, “I guess in that point in my life, you know, I was very afraid. I was scared because of what happened sa paghihiwalay namin amd hindi mo ako mabe-blame kasi gusto ko maging safe ako, maging safe yung mga bata but didn’t realize na it was 15 years.

Ani Ruffa, pakiramdam daw niya ay dala dala ng mga anak niya ang sakit dahil lumaki sila nang wala ama at pakiramdam nila inabandona sila kahit nandyan naman ang ama niyang si Eddie Gutierrez.

Nagtatanong pa nga madalas sa kanya ang mga anak kung kumusta na ba ang kanilang daddy, kung alam ba nito ang mga balita patungkol sa kanila gaya ng pag-aaral sa kolehiyo, o kung nagtatanong ba ito ukol sa kanilang magkapatid.

Pagbubuking pa niya, 3 years in the making daw ang naging reunion nina Yilmaz, Lorin, at Venice.

“Everytime na we would try to set something up, we would end up fighting on the phone. He was supposed to come to Philippines, kung ano ano lang. Yung nagkakainitan kami so we didn’t talk for over a year,” sey ni Ruffa.

At nito ngang Holy Week ay muling nagkaroon ng komunikasyon ang kanyang anak sa ama nang tumawag ito dahil napanaginipan daw ni Yilmaz si Venice.

Kaya naman na-curious ang celebrity doctor kung may chance nga ba na magkabalikan sila ng dating asawa lalo na at muling nagkaroon ng komunikasyon sa pagitan nila.

“Walang return of the comeback. Ano lang ito, comeback, reunion lang ng mga anak ko at si Yilmaz,” giit ni Ruffa.

Related Chika:
Ruffa Gutierrez ibinunyag ang ‘reunion’ ng mga anak sa amang nasa Istanbul

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dating asawa ni Ruffa Gutierrez muling nakasama ang dalawang anak na sina Lorin at Venice

Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending