Ruffa Gutierrez ibinunyag ang 'reunion' ng mga anak sa amang nasa Istanbul Bandera

Ruffa Gutierrez ibinunyag ang ‘reunion’ ng mga anak sa amang nasa Istanbul

Therese Arceo |June 09,2022
share this

Ruffa Gutierrez ibinunyag ang ‘reunion’ ng mga anak sa amang nasa Istanbul

Therese Arceo June 09, 2022 - 02:35 PM

Ruffa Gutierrez ibinunyag ang 'reunion' ng mga anak sa amang nasa Istanbul
IBINAHAGI ni Ruffa Gutierrez na nalalapit na ang muling pagkikita ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice sa ama nilang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas na nakabase sa Istanbul, Turkey.

Sa kanyang Instagram account ay nagbigay siya ng update sa mga fans ukol sa muling pagkikita ng mag-aama na hindi nagkasama ng halos isa’t kalahating dekada.

“After 15 long years apart, a beautiful reunion will finally take place in Istanbul this weekend,” saad ni Ruffa na may pa-hashtag pang “#TogetherAgain”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

 

Kalakip nito ay ang TikTok video kung saan makikita ang throwback photos ng magkapatid maging ang larawan nila ng dating asawa kasama ang pamilya nito.

Maging ang dalawang anak ay nagpakita ng excitement sa nalalapit na pagkikita kay Yilmaz.

Nag-comment naman ang ilan sa mga kaibigan ni Ruffa sa kanyang post.

“This is great news,” saad ni Ana Roces.

Commen naman ni Jackie Foster, “Prayers [heart emojis].”

“OMG!! All in God’s perfect time girl,” sey naman no Almira Muhlach.

Matatandaang noong 2007 nang maghiwalay sina Ruffa at Yilmaz pero na-grant lang ang kanilang annulment noong February 2012.

Sa naging interview ng aktres sa talent manager na si Ogie Diaz noong Mayo 2022 ay ibinahagi nito ang reconnection ng kanyang anak na si Venice sa ama nito over the phone noong nagdaang Holy Week.

“The sister of Yilmaz reached out to me and said, ‘Yilmaz had a dream about Venice. Is she okay?'” pagkukwento ni Ruffa.

Dito ay sinabi ni Venice sa kanyang ina na ibigay kay Yilmaz ang kanyang number upang magkausap sila.

“Wala silang communication… Kasi dati, hindi ko binigay number, e. Lahat through me kasi mga bata pa sila noon.

“Binigay ko number ni Venice, nag-usap sila mag-ama. Siyempre iyakan,” pagpapatuloy ni Ruffa.

Aniya, may pain pa rin para sa mga bata dahil lumaki sila na walang ama.

“I think nandiyan pa rin yung pain talaga ng mga bata that they grew up without a dad… I think that’s in their heart, yung pain na feeling nila in-abandon sila ng tatay nila.”

At ang kanyang dalangin na muling magkita ang mag-aama ay mangyayari na nga ngayong paparating na weekend.

Related Chika:
Ruffa happy sa ‘renewed friendship’ kay Gretchen; dyowa nga ba talaga si Herbert?

Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!

Ruffa Gutierrez gaganap nga ba bilang Imelda Marcos sa ‘Maid in Malacañang’?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending