Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko! Bandera

Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!

Ervin Santiago |March 16,2022
share this

Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!

Ervin Santiago March 16, 2022 - 09:50 AM
Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez

Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez

MUKHANG hindi na nga napigilan ng Kapamilya actress na si Ruffa Gutierrez ang kanyang nararamdaman para sa rumored boyfriend niyang si Herbert Bautista.

Matagal nang napapabalita na magdyowa na ang former beauty queen at ang dating mayor ng Quezon City ngunit wala hindi pa nila ito diretsahang kinukumpirma.

Pero tila handa na nga si Ruffa na ipagsigawan sa buong universe ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Herbert na tumatakbong senador para sa May 9 national elections.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktres ng sweet photo nila ng actor-politician at dito nga niya sinabi na number one sa puso niya ang dating alkalde.

Bukod dito, nag-post din si Ruffa ng isang video kung saan mapapanood ang ilang kaganapan sa pangangampanya ng aspiring senator. Aniya sa caption, “#8 sa balota, #1 sa puso ko!”

Nilagyan pa niya ito ng hashtag na “#MySenatorMadeItToTop12” na tumutukoy sa pagpasok ni Bistek sa Top 12 ng mga kumakandidatong senador.

Nagsimulang maging super close ang dalawa nang magkatrabaho at gumanap na mag-asawa sa digital series ng ABS-CBN na “The House Arrest of Us” na umere noong October, 2020 at pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Nu’ng una ay dinedenay pa ni Ruffa na may namamagitan sa kanila ni Herbert pero inamin niyang, “Of course, ini-inspire ako ni mayor. Matalino siyang tao. Intelehente.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


“Si mayor really cares about my family. Inspiring siya because may sense siyang kausap and he gives the best advice. He’s my mentor sa buhay. Close kami pero wala kaming ’til death to us part,” aniya pa.

Pero noong November, 2021 may ipinost si Ruffa sa Twitter tungkol sa “privacy and happiness”, “Social media has made us so eager to show and tell, but there is BEAUTY in PRIVACY.

“Everything isn’t meant to be on display. It’s perfectly fine not to overshare and to keep some things for you. I don’t need validation from strangers because I’m genuinely HAPPY,” aniya pa.

Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me

Annabelle Rama: Magandang influence si Herbert kay Ruffa

Annabelle Rama bet na bet ang ‘special someone’ ni Ruffa: Magkakampi talaga sila ngayon

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending