GMA bukas sa Alden-Kathryn serye; bagay sa Pinoy version ng Queen of Tears
MALAKI ang posibilidad na magkaroon uli ng bonggang collaboration ang ABS-CBN at GMA 7 para sa Box-Office King & Queen na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Mismong ang Senior Vice-President ng GMA na si Atty. Annette Gozon-Valdes na ang nagsabing very open sila sa next project nila ng ABS-CBN para sa KathDen.
Ito’y matapos nga ang matagumpay na pagsasanib-pwersa ng dalawang movie company sa record-breaking na “Hello, Love, Again” nina Kath at Alden na hanggang ngayon ay humahakot pa rin ng pera sa takilya.
Kasunod nito, maraming fans ang nagre-request na sana’y bigyan na rin ng teleserye ang KathDen very soon habang mainit pa ang clamor ng publiko.
Baka Bet Mo: Tambalang Kim Chiu-Xian Lim posible nang mapanood sa GMA 7; Anne emosyonal sa pagbabalik-Kapuso
“Lahat pwedeng pag-usapan. We’re very open to ABS-CBN, maganda naman ‘yung collab namin,” sey ni Atty. Annette sa interview ng ilang members ng media.
In fact, sey pa ng GMA executive, talagang isa siya sa mga nagpu-push for another Kathryn-Alden collaboration. Ngunit aniya, “Hindi ko alam kung series dahil mas mahirap ang series, mas madali kung movie so let’s see.”
View this post on Instagram
Pagpapatuloy ni Atty. Annette, “I’m grateful to Star Cinema and ABS-CBN, and of course to Direk Cathy (Garcia-Sampana), Kathryn and Alden, thank you so much for the opportunity that you gave GMA Pictures and we’re looking forward to more collaborations to come.”
Abot-langit ang pasasalamat nina Alde at Kathryn dahil kumita na ang “Hello, Love, Again” nang mahigit P1.4 billion sa box office sales worldwide, kaya naman nabawi na nila kina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng “Rewind” ang titulong “highest grossing Filipino film of all time.”
“We love you a billion times, guys. Grabe! We didn’t expect na aabot nang ganito ang gross income ng Hello, Love, Again. No words to say how grateful we are,” mensahe ni Alden sa lahat ng nanood ng kanilang pelikula.
Sabi naman ni Kathryn, “Yes, no words po. We’re just extremely grateful. Thank you sa lahat ng mga sumusuporta, sa lahat ng mga kababayans namin. Parte kayo nito. Thank you for making this happen. Thank you for making this possible. And congratulations to us.”
Samantala, hiling ng KathDen fans, ibigay kina Alden at Kathryn ang Philippine adaptation ng pak na pak na Korean drama series na “Queen of Tears.”
Pumatok nang bonggang-bongga hindi lang sa South Korea ang naturang serye na pinagbidahan ng South Korean stars na sina Kim Ji-won at Kim Soo-hyun.
Sey ng supporters nina Alden at Kath, bagay na bagay sa kanila ang Pinoy version ng “Queen of Tears.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.