Coco nag-explain sa sunud-sunod na kamatayan sa ‘Batang Quiapo’
NAG-EXPLAIN ang King of Teleserye na si Coco Martin kung bakit nagdesisyon ang production ng “FPJ’s Batang Quiapo” na patayin ang ilang pangunahing karakter sa serye.
Shookt ang mga manonood nang biglang mamatay ang mga character ni Lena na ginagampanan ni Mercedes Cabral at ni Noy played by Lou Veloso, at marami pang iba.
Hindi raw kasi nila akalain na magsusunod-sunod ang pamamaalam ng mga nabanggit na karakter lalo pa’t magpa-Pasko at Bagong Taon pa.
Paliwanag ni Coco sa panayam ng ABS-CBN, ang mga nakakaloka at nakakabiglang mga kaganapan sa “Batang Quiapo” ay bahagi talaga ng kuwento.
Baka Bet Mo: ‘Batang Quiapo’ may malaking pasabog sa 2025; MTRCB nilabas ang ratings sa 9 new films
“‘Yun talaga ‘yung flow ng kwento. Kumbaga, hinog na siya. Gusto ko kahit December o kahit ano ‘yung okasyon gusto ko dire-diretso.
“Kasi buo ‘yung kwento, eh, kasi ang dami naming interesting characters na dapat bigyan ng kwento eh,” aniya pa.
View this post on Instagram
Mapapansin kasi na kapag sumasapit ang holiday season, karamihan sa mga teleserye ay nag-i-slow down sa mga atake nila sa mga eksena pero iba ang nais mangyari ni Coco.
“Natutuwa kami kasi ‘yung ratings kahit December, ang ganda ganda nang binibigay sa amin na pagmamahal at suporta ng mga tao,” sey ng aktor at direktor.
Bukod dito, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni Coco at ng buong production team ang mga pasabog nila 2025.
Magdiriwang na ng second anniversary sa February ang kanilang teleserye kaya dapat daw ay mabigyan nila ng mas malalaki at mas nakagugulat na mga eksena sa bawat episode.
“Ibig sabihin nu’n, maganda ‘yung naibibigay nating kwento sa pagtutulungan ng lahat,” sey pa ni Coco sa ikalawang taon ng “Batang Quiapo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.