Elijah, Miles nahuling nag-‘kiss’, fans kilig na kilig: ‘Tama yan! Be proud!’
KILIG overload ang fans ng celebrity couple na sina Miles Ocampo at Elijah Canlas!
Ito ay matapos kumalat sa social media ang isang video clip ng dalawa na huling-huli sa camera na nag-kiss.
Mapapanood sa TikTok video ng uploader na si @leal20em na present ang dalawa sa wedding day ng celebrity couple na sina Jose Manalo at Mergene Maranan na ginanap sa isang beach resort sa Boracay.
Magkatabi pa nga sa upan sina Miles at Elijah nang biglang mahuli sa video ang biglaang pag-kiss ng dalawa habang isa-isang naglalakad sa aisle ang mga abay.
Baka Bet Mo: Elijah Canlas pinu-push makipag-kissing scene si Miles Ocampo: ‘Nu’ng magkasama kami sa work, ayaw talaga niya!’
Caption pa nga riyan ng TikToker, “My parents!! [holding back tears, white heart emojis] @Miles Ocampo @Elijah Canlas.”
@leal20em my parents!! 🥺🤍@Miles Ocampo @Elijah Canlas #MayManaloNaSaPusoNiMargene #EliMiles ♬ original sound – cutieeepie
As of this writing, wala pang isang araw mula nang ma-upload ang video sa TikTok, pero umaani na ito ng 3.5 million views at mahigit 200,000 reactions.
Maraming fans din ang todo kilig at very happy na tila nagkabalikan na ang dalawa.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Tama yan Elijah be proud [smiling with hearts emoji] mahal ko kayong dalawa”
“Ang sarap makakita ng lalaking kayang maging clingy kahit maraming tao. Sana lahat Miles!”
“Nakakatuwa naman kiniss ni Elijah si Miles, ilang beses ko inulit panoorin [heart, smiling face with hearts emojis]”
“Ahhhh!!! I’m rooting for their relationship talaga and I’m so glad they’re back again [holding back tears emoji].”
“Nauna pa sila mag-kiss sa bride [laughing emojis] cutie [smiling face with hearts emoji]”
“Legit ba ito? [crying emojis] nakakatuwa naman [crying emojis].”
Kung matatandaan, noong Hunyo nang nagkaroon umano ng hint ang aktres patungkol sa relationship status nila ng aktor.
Natanong kasi ang dalaga that time kung totoong nagkabalikan na sila ni Elijah after nilang maghiwalay last year.
“We’re happy, we’re happy. Yun na lang po ang gusto kong i-share talaga kasi kaming dalawa, masaya naman po kami talaga,” ang tugon ni Miles.
Aniya pa, “I feel like sa lahat ng nangyari, mas gusto na lang namin na tahimik na lang. Basta, ‘yun po ang maise-share ko, masaya kami.”
Maaalalang nagsimulang kumalat ang chikang nagkabalikan ang dalawa noong Marso matapos silang makitang magkasama sa birthday party ni Maine Mendoza.
Sa kaparehong buwan, inamin ng aktres na sinusubukan nila ni Elijah na ayusin ang kanilang relasyon.
Sina Miles at Elijah ay dalawang taong naging magkarelasyon bago tuluyang maghiwalay na kinumpirma nila sa publiko noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.