Sofronio Vasquez pinili si Elijah Canlas para sa life story, bagay ba?

Sofronio Vasquez at Elijah Canlas
CONFIRMED! Pumayag na ang “The Voice USA” Season 26 champion na si Sofronio Vasquez na ipalabas ang kanyang makulay at inspiring life story.
In-announce ito sa naganap na “Dream Come True” contract signing ni Sofronio sa Star Magic at ABS-CBN ngayong araw, February 25, kasama ang mga bossing ng Kapamilya Network na sina Lauren Dyogi, Cory Vidanes at Rylie Santiago.
Ayon kay Sofronio, kung siya ang papipiliin among our male stars na pwedeng gumanap sa kanyang life story, yan ay walang iba kundi ang award-winning actor-singer na si Elijah Canlas.
“Actually, nagkaroon na kami ng mga meeting, meron ng briefing, storytelling, meron na ring interview. And tinatanong ako kung gusto kong mag-act (parang nahihiya).
Baka Bet Mo: Sofronio Vasquez: Ang ‘It’s Showtime’ ang unang naniwala sa akin!
“Kaso, natsa-challenge ako. Sabi ko gusto ko na lang kumanta. Pero kung balak talaga nilang ipasok ako, ‘Batang Quiapo’ na lang kahit na mafia ang role ko.
“Huwag lang yung iyak-iyak kasi hindi ko ata kaya, pero hindi ko alam. I mean everything now is a possibility,” sabi ni Sof.
View this post on Instagram
At nang matanong nga kung sino ang gusto niyang gumanap na Sofronio Vasque sa kanyang life story, binanggit niya ang name ni Elijah Canlas.
“I am so hooked up with the teleserye now, yung Incognito, so sana mabigyan ako ng pagkakataon…Elijah Canlas. That would be exciting. He’s very good in acting,” pahayag pa ni Sofronio.
In fairness,mukhang keribels naman ni Elijah dahil bukod sa magaling na aktor ay magaling ding kumanta ang Kapamilya star. Kayo, mga KA-BANDERA, what do you think, bagay ba?
Samantala, todo-pasalamat naman si Sofronio sa lahat ng executives ng Kapamilya Network dahil sa tiwala at pagmamahal na ibinibigay sa kanya, at sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maging bahagi ng Star Magic.
Bukod sa pagpapalabas ng kanyang life story, marami pang pasabog si Sofronio sa mga susunod na buwan bilang Star Magic artist. Kasado na rin ang mga gagawin niyang shows dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.