Elijah umaming regalo kay Miles ang latest single na ‘Loved Song’

Elijah Canlas umaming regalo kay Miles Ocampo ang latest single na ‘Loved Song’

Pauline del Rosario - March 28, 2025 - 02:43 PM

Elijah Canlas umaming regalo kay Miles Ocampo ang latest single na ‘Loved Song’

Elijah Canlas, Miles Ocampo

MAY rebelasyon ang aktor na si Elijah Canlas tungkol sa kanyang single na “Loved Song.”

Ayon sa kanya, ito ay kanyang isinulat three years ago para sa kanyang ex-girlfriend na si Miles Ocampo.

Naikuwento pa nga sa interview ng ABS-CBN na ginawa niya ito bilang regalo sa kanilang monthsary noon.

“It was a monthsary gift at that time so binigay ko na ‘yung song sa kanya,” chika ni Elijah.

Baka Bet Mo: Elijah Canlas pinigilan ang feelings kay Miles Ocampo: ‘Kasi ayoko talagang nagkakagusto sa mga nakakatrabaho ko’

Nang tanungin kung ano ang naging reaksyon ni Miles sa kanta, sinabi niyang naging speechless ito at tila gumana naman ang kanyang sorpresa.

“Speechless. Hindi siya ma-expressive [kasi] sa mga ganung bagay. But I think kinilig naman siya, sana. Sana nag-work naman,” sey niya.

Bukod diyan, naikuwento rin ng recording artist kung paano nabuo ang pamagat ng kanta.

Dati raw kasi, ito ay may titulong “Be Mine,” bilang sila pa that time ng aktres.

Pero dahil ni-release ito na hiwalay na ang dalawa, ito ay naging “Loved Song” na pinitch ng isang miyembro ng kanyang music label na UMG Philippines.

“Technically, I wrote it three years ago. Wala pa akong plano talaga mag-release officially to be a music artist. Sinulat ko lang siya at the time when it was all happening,” kwento ni Elijah.

Dagda niya, “Past tense na talaga yung kanta kasi nasa ibang state na ako ng buhay ko ngayon. Nasa ibang state na ng mindset basically.”

Matatandaang nagtagal nang mahigit dalawang taon ang relasyon nina Elijah at Miles bago sila nagdesisyong maghiwalay noong 2023.

Bagamat December last year nang mabuhayan ang fans ng dating couple matapos kumalat sa social media ang isang video clip nila na huling-huli sa camera na nag-kiss.

Mapapanood sa isang TikTok post na present ang dalawa sa wedding day ng celebrity couple na sina Jose Manalo at Mergene Maranan na ginanap sa isang beach resort sa Boracay.

Magkatabi pa nga sa upan sina Miles at Elijah nang biglang mahuli sa video ang biglaang pag-kiss ng dalawa habang isa-isang naglalakad sa aisle ang mga abay.

Pero bago ‘yan, nagsimulang kumalat ang chikang nagkabalikan ang dating magdyowa noong Marso ng nakaraang taon matapos silang makitang magkasama sa birthday party ni Maine Mendoza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kaparehong buwan, inamin ni Miles na sinusubukan nila ni Elijah na ayusin ang kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending