Elijah Canlas pinigilan ang feelings kay Miles Ocampo: 'Kasi ayoko talagang nagkakagusto sa mga nakakatrabaho ko' | Bandera

Elijah Canlas pinigilan ang feelings kay Miles Ocampo: ‘Kasi ayoko talagang nagkakagusto sa mga nakakatrabaho ko’

Ervin Santiago |March 14,2023
facebook
share this

Elijah Canlas pinigilan ang feelings kay Miles Ocampo: ‘Kasi ayoko talagang nagkakagusto sa mga nakakatrabaho ko’

Ervin Santiago - March 14, 2023 - 07:20 AM

Elijah Canlas pinigilan ang feelings kay Miles Ocampo: 'Kasi ayoko talagang nagkakagusto sa mga nakakatrabaho ko'

Elijah Canlas at Miles Ocampo

DALAWANG taon nang magkarelasyon sina Elijah Canlas at Miles Ocampo at knows n’yo ba kung ano ang isa sa mga sikreto ng kanilang chilax na relasyon?

Nakachikahan namin si Elijah kamakailan at nagkuwento nga siya tungkol sa love story nila ni Miles at kung anu-ano ang mga bagay na napagkakasunduan nila and vice versa.

In fairness, nagkakatulungan naman daw sila pagdating sa kanilang showbiz career. Wala raw lugar sa kanilang relasyon ang inggitan at hilahan pababa.

“Happy po kami sa ganu’ng klaseng relationship. Masaya lang. Masayang-masaya lang, and especially kung nagtutulungan kayo sa trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Canlas (@elijahcanlas)


“Kasi nobody knows our job more than each other, e. Kasi we’re both actors, we’re both artists. And siya, mas nandun siya sa mainstream side, yung nae-experience niya her whole life. Ako naman, nandun sa art side, sa indie side.

“So siya, gusto niyang i-explore ang indie. Ako, gusto kong i-explore yung mainstream. So, nagtutulungan po kami,” pahayag ng award-winning young actor.

Sa tanong kung ano nga bang sikreto sa two years nilang relasyon? Sagot ng aktor, “Kalma lang. Relax lang po. Yun lang lagi, parang no pressure. I mean, ako, I’m the type na, I get into a relationship and I make it serious because I don’t wanna waste time.

“But at the same time, I don’t put any pressure on my girl you know, my partner. And I just try to make her happy all the time. And she does the same for me,” paliwanag pa ni Elijah.

Sinagot sin ng binata ang question kung ano ang mas priority nila ngayon, ang kanilang career o ang relationship nila, “Happiness. Happiness ang priority po namin lagi para sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Canlas (@elijahcanlas)


“Kung saan kami masaya. And right now, masaya kami sa isa’t isa. Masaya kami sa trabaho namin. So sakto, balanced na balanced lahat,” paliwanag pa niya.

Nagkuwento rin si Elijah tungkol sa matinding tampuhan nila ni Miles, “Sa LiveScream po. First project ko po kasi yun na we were together na may scene ako like that, na ganu’n ka-intense.”

Ang tinutukoy niya ay ang jacuzzi scene nila Katrina Dovey sa pelikulang “LiveScream” ng Vivamax.

“Siguro nanibago siya. Kasi she’s never had a partner before, especially a partner like me na game na game kahit anong gawin. Medyo nagselos siya. But nu’ng ginagawa ko na yun, yung selos po niya came before the project, you know.

Baka Bet Mo: Elijah Canlas inaming ‘the one’ si Miles Ocampo: ‘Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga

“Kasi she had me prepare for it, e. So habang tinutulungan niya akong mag-prepare, ‘Eto, kailangan ba itong eksena na ito?’ Pero siyempre, wala siyang magagawa du’n. Wala na siyang magagawa,” ang natawang pagbabahagi pa ni Elijah.

Anu-ano nga ba ang mga katangiang nagustuhan niya kay Miles? “Hindi lang po sa conservative, e. I feel like all the good adjectives, pasok sa katauhan niya.

“And she has a lot to learn pa. And I have a lot to learn from her. Pasok lang din yung mga love languages namin. Tina-try talaga naming mabigyan ng oras ang isa’t isa.

“And ako po talaga yung type na tao na I don’t get into a relationship if I don’t think it would last, if I don’t think it’s the endgame, you know?

“Ayokong mag-aksaya ng oras sa ganu’n. Kung ganu’n lang po, e di mag-date-date na lang ako,” aniya pa.

Unang nagtambal sina Elijah at Miles sa TV5 series na “Paano Ang Pangako?” na umere noong 2021, “Tuwang-tuwa ako dahil nagalingan ako sa kanya. Honestly, nagalingan ho ako.

“Loveteam po kami du’n. Pero wala pa nga siyang kuwenta kausap noon. Ha-hahahaha! Sinasabi ko lagi, wala siyang kuwenta kausap.

“Kasi hindi siya nakikipag-usap. May sarili siyang mundo. And sakto, ako din po, medyo ganu’n din. Pero pag tina-try ko siyang kausapin, nakikipag-usap naman. ‘Tapos ayun, nauwi na sa text-text.

“Ako, in denial pa ako dati, ‘Wala akong gusto diyan!’ Kasi ayoko pong nagkakagusto sa mga nakakatrabaho ko. I want to keep it professional talaga,” pag-amin ng binata.

“Nu’ng nagkatrabaho kami, may mga konti na. Pero nagsimula na lang po after. After na talaga the show. Then I made the move,” sabi pa ni Elijah.

Miles Ocampo, Elijah Canlas magdyowa na; nagkadebelopan dahil sa tuksuhan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elijah Canlas may entry na sa Summer MMFF 2023, bibida pa sa Pinoy remake ng Korean movie at ‘GomBurZa’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending