Miles Ocampo puring-puri ng netizens sa kanyang pag-arte sa 'Batang Quiapo' | Bandera

Miles Ocampo puring-puri ng netizens sa kanyang pag-arte sa ‘Batang Quiapo’

Therese Arceo |February 14,2023
facebook
share this

Miles Ocampo puring-puri ng netizens sa kanyang pag-arte sa ‘Batang Quiapo’

Therese Arceo - February 14, 2023 - 09:31 PM

Miles Ocampo puring-puri ng netizens sa kanyang pag-arte sa 'Batang Quiapo'

MARAMI ang humanga sa aktres na si Miles Ocampo sa kanyang espesyal na pagganap sa pilot episode ng “FPJ’s Batang Quiapo”.

Agad ngang nag-trending ang pilot episode ng teleserye ni Coco at talagang puring-puri ang mga artistang gumanap at pumalo nga ng mahigit 300,000 concurrent views ang mga nanood sa Kapamilya Online Live.

Si Miles ay gumanap bilang younger version ng karakter ni Cherry Pie Picache na siyang gaganap bilang ina ni Coco sa naturang teleserye.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang naging pag-arte ng aktres.

“Miles Ocampo, everyone. No wonder why Direk Coco said they applauded when editing Miles Ocampo’s scene/s. She’s indeed one of this generation’s best actresses,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “You’re finally getting the projects you deserve. Long overdue but, still, ito na. Nakakaiyak.”

Dagdag pa ng isa, “Ibigay natin ang pilot episode kay Miles Ocampo. Mahusay na aktres!”

Bukod kay Miles ay talaga namang hindi rin popahuli sa galing sa pag-arte ang mga kasama niya sa eksena na sin Precious Lara Quigaman, Ryza Cenon, at Ejay Falcon.

Hiling naman ng mga netizens na sana ay huwag sayangin ang galing ng aktres at bigyan pa ng mas maraming projects dahil talagang mahusay ito sa kanyang larangan.

Talagang napa-hands down ang madlang pipol dahil iba rin talaga ang galing ng mga tatak “Goin’ Bulilit” alumni at mga laking Star Magic kung saan nahasa si Miles. Ang ilan nga sa mga nabanggit ng netizens ay sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, at Sharlene San Pedro na pawang ka-batch rin ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by B617 Management (@b617management)

Nagkaroon rin ng public viewing ang pilot episode ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Plaza Miranda.

Bago naman ang kanyang special participation sa naturang teleserye ay napapanood si Miles sa Kapuso noontime show na “Eat Bulaga” ay sa Kapuso sitcom na “Happy ToGether”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Coco Martin nailang sa ‘rape scene’ nila ni Miles Ocampo sa ‘Batang Quiapo’: ‘Baby-baby ko kasi talaga siya’

Miles Ocampo, Elijah Canlas magdyowa na; nagkadebelopan dahil sa tuksuhan

Miles, Michelle gaganap na magdyowa sa love story ng 2 flight attendant-vlogger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending