Miles Ocampo, Elijah Canlas magdyowa na; nagkadebelopan dahil sa tuksuhan | Bandera

Miles Ocampo, Elijah Canlas magdyowa na; nagkadebelopan dahil sa tuksuhan

Reggee Bonoan |January 03,2022
facebook
share this

Miles Ocampo, Elijah Canlas magdyowa na; nagkadebelopan dahil sa tuksuhan

Reggee Bonoan - January 03, 2022 - 09:43 AM

Elijah Canlas at Miles Ocampo

NAUWI na rin pala sa seryosong relasyon ang biru-biruan at madalas na pag-uusap noon ng mga youngstar na sina Elijah Canlas at Miles Ocampo.

Nagsimula ang love story ng dalawang bagets sa lock-in taping ng drama series na “Paano ang Pangako” na umere sa TV5 noong nakaraang taon.

Yes, si Elijah, na 22 years old ngayong taon ang first boyfriend ni Miles na turning 25 years old naman sa Mayo at masasabing ang suwerte ng aktor dahil sa dinami-rami ng nanligaw sa aktres ay siya ang napili ng dalaga.

Base sa pagkakatanda namin noong January, 2021 sa virtual mediacon ng “Paano ang Pangako” na idinirek nina Perci Intalan at Ricky Davao ay tinutukso na sina Miles at Elijah pero palagi lamang silang nangingiti.

Inamin naman ni Miles noon na boyfriend material si Elijah at nadiskubre rin nila sa isa’t isa na marami silang mga bagay na pinagkakasunduan — pati sa musika ay mahilig sila sa mga lumang kanta.

At higit sa lahat napaka-thoughtful ng binata dahil sa gitna ng kuwentuhan nila ay nabanggit ng dalaga na nagki-crave siya ng Potato corner chips at laking-gulat niya na gusto rin ito ni Elijah at pagkalipas ng ilang minuto ay may dumating nang delivery na in-order para sa kanya.

Mga simpleng gesture ni Elijah ang nagpapakilig kay Miles kaya nu’ng mabalitaan naming sila na base sa pagkumpirma ng aming source ay hindi na kami nagulat. At boto naman kami sa dalawa dahil maganda ang chemistry nila at bagay na bagay sila.

Napansin din namin noon na kapag tinatanong ng media si Elijah tungkol kay Miles ay ang ganda ng kanyang ngiti base sa kuha sa zoom kaya tinanong namin ang dalaga kung posibleng mag-level up ang pagkakaibigan nila into a serious relationship pero pareho lang silang napangiti sabay sabing magkaibigan lang daw sila.

Sitsit pa ng aming source, madalas makitang naglalambingan ang dalawa sa set, so, ano pa nga ba ang ibig sabihin no’n?

Parehong nag-aaral sa University of the Philippines ang dalawa, sa Diliman si Miles habang sa Manila naman si Elijah.

Sa kasalukuyan ay nasa Kapuso network na si Miles dahil isinama siya sa sitcom ni John Lloyd Cruz na “Happy ToGETHer.”

View this post on Instagram

A post shared by Miles Ocampo (@milesocampo)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elijah Canlas type jowain sina Bea, Kathryn, Maja at Liza

B-day message ni Kris kay Miles: 24 naging nanay ako, utang na loob ‘wag mo akong gayahin…please!

                                                                     

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending