Elijah Canlas may entry na sa Summer MMFF 2023, bibida pa sa Pinoy remake ng Korean movie at ‘GomBurZa’
SUNUD-SUNOD ang projects ngayon ng award-winning young actor na si Elijah Canlas, kabilang na riyan ang official entry nila para sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na “About Us But Not About Us.”
Makakasama niya sa nasabing pelikula si Romnick Sarmenta mula sa direksyon ni Jun Lana. Magsisimula ang Summer MMFF 2023 sa April 11 hanggang April 18.
Nanalo nang best film ang “About Us But Not About Us” sa Critic’s Pick competition ng 26th Tallinn Black Nights Film Festival last year sa Estonia.
Bukod sa nasabing pelikula, bibida rin ang binata sa Pinoy version ng South Korean movie na “Keys to the Heart” kasama sina Zanjoe Marudo at Dolly de Leon. Gaganap siya rito bilang binatang autistic na isa sa mga dream role ni Elijah.
Tinatapos na rin niya ngayon ang historical film na “GomBurZa” kung saan gumaganap siya bilang Paciano.
Nakachikahan namin si Elijah kamakalawa, February 28, sa presscon na ibinigay sa kanya ng Cornerstone Entertainment ni Erickson Raymundo, na siyang bagong magma-manage sa kanyang showbiz career.
Kuwento ng boyfriend ni Miles Ocampo, kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong October, 2021 nang mag-shooting sila ni Romnick para sa “About Us But Not About Us”.
“Sobrang height pa ng pandemic noon. And the movie is just me and Kuya Romnick sitting down, sa table. Just talking, the whole movie. I don’t wanna spill anything else. It’s a thriller, e, written and directed by Direk Jun Lana.
“Nu’ng nabasa ko yung script na yun, I remember, it just felt so good. Sobrang personal po talaga nung pagkakasulat niya.
“And nu’ng habang idinidirek niya, I remember he was just so attached to the characters. Kasi sinabi niya po sa akin na lahat ng characters na yun, siya daw.
“So I don’t know how much I can say about the movie, but I’m so excited. I’m so grateful na napasama kami sa MMFF summer line-up,” pahayag ng aktor.
Pag-amin pa niya, “Honestly I didn’t expect our movie, a movie like that to be included in the MMFF and it’s a good platform to showcase you know this type of story, and this type of filmmaking to the Filipino audience.
“And sana tanggapin ng mga tao nang maayos. Ako, nae-excite ako, hindi ko pa napapanood, e. Pero memorized ko ang script na yun. Kasi parang theater play siya e. So, minemorize ko siya even before we started shooting,” pagbabahagi pa ni Elijah.
“Yung About Us But Not About Us is literally one of the hardest roles I’ve ever done. Baka nga the hardest. Kasi, yung hiningi niya sa akin emotionally, yung demand. And yung physical transformation din niya.
“Mahirap po talaga siya! Siya yung tipong pinag-aralan ko yung script for over a month. Trying to memorize it, trying to unitize it, trying to make my characters whole.
“Tapos si Kuya Romnick, iba rin yung pinakita niya sa About Us honestly. I’ve worked with Kuya Romnick before sa Past, Present, Perfect? (2019) sa iWant, but we didn’t work like this na one-on-one po talaga kami.
“Ang saya kasi nagti-theater din si Kuya Romnick. Tapos parang kami yung nagko-compete but at the same time nagtutulungan dun sa mga acting choices namin, sa mga usapan namin, sa mga ginagawa namin.
“Tapos we were literally… dalawa lang po talaga kami the whole time,” kuwento ng aktor.
Samantala, matinding challenge rin ang hinarap ni Elijah sa pagganap niya bilang autistic sa Pinoy version ng Korean film na “Keys to the Heart.”
“Opo, mahirap siya. Super-excited nu’ng sinabi nga po nila na gagawin yung project na yun, and dapat sa Baguio din namin isu-shoot. Pero biglang sinabi nila, baka sawa na daw ako sa Baguio. Kasi, yung Suntok sa Buwan, sa Baguio na lang kami lagi.
“I only had like two weeks to prepare po, to immerse myself, sa immersions, mga seminars about autism. So nag-cram na rin po ako in terms of preparation,” sabi ni Elijah.
Ngayong nasa Cornerstone Entertainment na siya, umaasa si Elijah na mas marami pa siyang bonggang proyektong magagawa, kabilang na riyan ang pagtupad sa pangarap niyang maging singer at performer.
At siyempre, posible ring maka-collab niya in the future ang iba pang talents ng Cornerstone tulad nina Sam Milby, Piolo Pascual, Erik Santos, John Prats, Yeng Constantino, Moira dela Torre, Julia Montes, Iñigo Pascual, Kris Aquino, Gretchen Ho, Catriona Gray, Arci Muñoz, Empoy Marquez, KZ Tandingan, at marami pang iba.
Isa si Piolo sa mga nag-welcome kay Elijah sa Cornerstone sa pamamagitan ng video greeting at inamin nga nito na isa rin siyang fan ng aktor.
“I’m a fan. Welcome to Cornerstone. Enjoy and I hope makatrabaho kita sometime soon. Keep it up,” ang message ni Papa P sa premyadong young actor.
Isa nang certified multi-awarded young actor si Elijah, nagwagi siyang Best Actor sa 68th FAMAS Awards, 43rd Gawad Urian Awards, at sa 17th Asian Film Festival noong 2022 para sa pelikulang “Kalel, 15.”
Nanalo rin siyang Best Actor sa 7th Urduja Heritage Film Award at 16th Harlem International Film Festival para sa nasabing pelikula.
Miles Ocampo, Elijah Canlas magdyowa na; nagkadebelopan dahil sa tuksuhan
Elijah Canlas walang takot na nagpakita ng pwet; naaksidente sa shooting ng ‘Livescream’
Elijah Canlas inaming ‘the one’ si Miles Ocampo: ‘Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.