Iñigo Pascual tanggap na mas gwapo at magaling sa kanya ang amang si Piolo

Iñigo Pascual at Piolo Pascual
TANGGAP na tanggap na ng Kapamilya actor-singer na si Iñigo Pascual na mas guwapo at mas magaling sa kanya ang amang si Piolo Pascual.
Palaging ikinukumpara ng mga fans si Iñigo kay Papa P kung saan maraming nagsasabi na never maaabot ng una ang kasikatan at tagumpay ng kanyang tatay sa mundo ng showbiz.
Kaya naman sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” natanong si Iñigo kung anong napi-feel niya kapag ikinukumpara sila ni Piolo.
Sagot ng binata, never, as in never siyang na-offend o nagalit sa nagkukumpara sa kanilang mag-ama kahit offensive pa ang mga sinasabi ng netizens.
“Para sa ‘kin hindi ko siya matatanggal sa buhay ko, sa pagkatao ko, kung sino ako. Kasi wala naman ako sa mundong ‘to kung wala ‘yung tatay ko, magulang ko,” sabi ni Iñigo kay Tito Boy.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, “Para sa ‘kin hindi siya obstacle, hindi siya problema kasi wala naman ako sa industriyang ‘to kung wala rin naman ‘yung tatay ko.
“Para sa ‘kin it’s an honor that I get, it’s an honor to be compared to my dad,” aniya pa.
Hindi rin daw sigurado si Iñigo kung matatapatan o malalagpasan niya ang nagawa at mga kontribusyon ni Papa P sa entertainment industry.
At tanggap na rin niya na mas guwapo ang kanyang tatay kesa sa kanya, “Sa mga kaibigan ko, mas ipinagmamalaki ko pa si Papa na parang, ‘Ito ‘yung tatay ko. Can you believe it? This is my dad. He looks like my older brother.’
“For me that’s more of a bragging right,” sey pa ni Iñigo Pascual.
Kayo, dear BANDERA readers, keri ba ni Iñigo na maabot ang mga na-achieve ng kanyang amang si Papa P?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.