Elijah Canlas inaming 'the one' si Miles Ocampo: 'Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga | Bandera

Elijah Canlas inaming ‘the one’ si Miles Ocampo: ‘Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga

Reggee Bonoan |November 04,2022
facebook
share this

Elijah Canlas inaming ‘the one’ si Miles Ocampo: ‘Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga

Reggee Bonoan - November 04, 2022 - 05:10 PM

Elijah Canlas inaming 'the one' si Miles Ocampo: 'Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga

PURING-PURI si Elijah Canlas ng mga tagasubaybay ng radio program nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika na “Cristy Ferminute” sa Radyo5 92.3 News FM.

Isa ang aktor sa guest ng CFM kaninang 1PM at habang pinag-uusapan nila ang latest movie ng aktor, ang suspense-thriller na “Livescream” ay marami ang nagpapadala ng mensahe kay ‘nay Cristy na binabati nila ang binata sa maganda nitong pagganap sa TV5 series na “Suntok sa Buwan” kasama si Aga Muhlach.

Isa-isang binasa ng radio host ang mga mensahe na ikinatuwa naman ni Elijah. Hindi raw kasi siya nagpakabog sa veteran actor na si Aga na nominado pa sa pagka-best actor sa 27th Asian Television Awards na gaganapin sa Singapore ngayong Disyembre.

Mahusay na aktor ang binata kaya gustong malaman ni Romel Chika kung ano ang pagkakaiba ng drama sa suspense-thriller.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Canlas (@elijahcanlas)

 

“Paano mo maihahambing ang treatment sa drama at suspense-thriller? Kasi pag drama dire-diretso lang kayo? Itong thriller pahinto-hinto kayo kasi mga effects?” tanong ni Romel Chika.

Singit ni ‘nay Cristy, “Naku Romel ang hirap-hirap ding mag-drama! Hindi kaagad-agad na nai-attack ‘yung pagda-drama, grabe! Lahat mahirap, di ba Elijah?”

Natawa naman ang aktor sa komento ng batikang manunulat.

“Pareho lang po ‘nay! Pareho lang pong mahirap pero may pagkakaiba din naman po kasi sa drama mas mentally exhausting, mas nakakapagod po emotionally,” saad ni Elijah.

“Itong horror po dahil (naman) sa kakasigaw sa mga torture (scenes) na pinagagawa sa akin sa pelikula. Mas nakakapagod physically na pagkatapos ng shooting, tulog na ako, bagsak na ako wala na akong makausap na ibang tao,” paliwanag pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Canlas (@elijahcanlas)

Napag-alaman din namin na maganda ang feedback ng viewers at pasok ng ads sa “Suntok sa Buwan” kaya masaya ang TV5 management.

Samantala, inamin din ni Elijah na nakadagdag sa inspirasyon niya sa lahat ng ginagawa niya ang girlfriend niyang si Miles Ocampo bukod sa magulang niya.

At diretso rin niyang sinabi na ang aktres na ang kanyang ‘the one’ nang tanungin ni ‘nay Cristy kung si Miles na nga.

“Opo ‘nay! Hindi po ako papasok sa isang relasyon kung hindi ko p o iniisip ‘yan, so, very serious po ako. Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga ‘nay,” pagtatapat ni Elijah.

“Napaka=suwerte naman ni Miles!” sabi ni nanay Cristy.

Nabanggit din ni Elijah na umakyat talaga siya ng ligaw sa bahay ng dalaga at una rin nitong niligawan ang magulang dahil nga nag-iisang anak na babae at precious ito sa pamilya kaya nangakong paka-iingatan niya ang relasyon nila ni Miles.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Elijah Canlas type jowain sina Bea, Kathryn, Maja at Liza

Elijah Canlas kay Miles Ocampo: My favorite person in the world!

Miles Ocampo, Elijah Canlas magdyowa na; nagkadebelopan dahil sa tuksuhan

Miles Ocampo nagparetoke raw ng ilong, fans nag-react: Pumayat lang po talaga sya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending