Elijah Canlas kay Miles Ocampo: My favorite person in the world! | Bandera

Elijah Canlas kay Miles Ocampo: My favorite person in the world!

Therese Arceo |May 20,2022
facebook
share this

Elijah Canlas kay Miles Ocampo: My favorite person in the world!

Therese Arceo - May 20, 2022 - 03:18 PM

Elijah Canlas kay Miles Ocampo: My favorite person in the world!
INSTAGRAM official na nga ang aktres na si Miles Ocampo at aktor na si Elijah Canlas.

Sa recent IG post kasi ng dalaga ay ibinahagi niya ang mga larawan na kuha noong kanyang birthday celebration ngayong buwan kasama ang pamilya, mga kaibigan, at mga katrabaho lalo na ang “Eat Bulaga” family ng dalaga.

Saad ni Miles sa kanyang caption, “Birthday 2022. My heart is full. Thank you, thank you, thank you.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miles Ocampo (@milesocampo)

Makikita rin ang comment ni Elijah na, “about to be the best year yet”.

Nagpaabot naman ng pagbati ang ilan sa mga kaibigan at kasama sa industriya sa dalaga gaya nina Arlene Muhlach, Ali Forbes, at Denise Ochoa.

Sa kabilang dako naman sy nauna nang mag-post ng mga larawan at mga video clips si Elijah nang batiin nito ang dalaga boong May 1.

Makikita sa kanyang post na tila naiiyak sa labis na tuwa at sorpresa si Miles sa ginawa ng aktor.

“Happy birthday to my favorite person in the world! Here’s to more adventures and memories,” pagbati ni Elijah sa dalaga.

Nag-reply naman si Miles sa IG post ng aktor at sinabing “Thank you for giving me the best birthday salubong, butbut. achikabuchibichakababachu!”

Matatandaang nauna na naming naisulat dito sa Bandera na may namumuong “something” sa dalawa noong Enero na na-develop umano dahil lang sa tuksuhan nila. Bukod pa rito ay nagkakasundo rin daw ang dalawa sa pakikinig ng music lalo na ang mga old songs.

Bagamat wala pa ring pormal na anunsyo ang dalawa ukol sa kung ano nga ba ang tunay na namamagitan sa dalawa ay mukhang gets na ng madlang pipol kung ano ito.

Nagkatrabaho na noon sina Miles Ocampo at Elijah Canlas sa TV5 series na “Paano ang Pangako” noong 2020 at bumida na rin sila sa music video na “Sandali Lang” ng bandang Over October.

Related Chika:
Miles Ocampo, Elijah Canlas magdyowa na; nagkadebelopan dahil sa tuksuhan

Elijah Canlas type jowain sina Bea, Kathryn, Maja at Liza

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miles, Michelle gaganap na magdyowa sa love story ng 2 flight attendant-vlogger

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending