Elijah Canlas type jowain sina Bea, Kathryn, Maja at Liza | Bandera

Elijah Canlas type jowain sina Bea, Kathryn, Maja at Liza

Reggee Bonoan |April 12,2021
facebook
share this

Elijah Canlas type jowain sina Bea, Kathryn, Maja at Liza

Reggee Bonoan - April 12, 2021 - 05:04 PM

SA one-on-one zoom interview namin kay Elijah Canlas kamakailan ay inamin niyang umiiwas muna siyang magkaroon ng lovelife.

Mas focus kasi siya sa kanyang showbiz career at pag-aaral. Kasalukuyang nasa 2nd year college na ang binata sa UP Manila.

Pati nga pagkakaroon ng crush ay iniiwas din niya dahil, “Mahirap po kasi pag nagka-crush ako, talagang nililigawan ko agad, so, iwas po muna ako kasi career muna, sayang ang opportunities kasi marami po, eh. Sabi nga nila strike when the iron is hot.  Puwede namang later ang lovelife.”

At dahil nagkaroon naman na rin siya ng kasintahan noong 17 siya at ito rin ang edad na nawala ang kanyang virginity. “Ha-hahaha!” tanging sagot ng aktor na nababahala baka raw kasi mabasa ng magulang niya.

Masyadong pormal kausap ang batang aktor kaya tinanong namin kung may mga naughty thing na siyang nagawa sa buhay niya o sa kuwarto niya.

“Wala po kasi kasama ko ang parents ko sa bahay,” sambit nito.

Ang fantasy niya sa buhay ay makarating sa space, “Makalipad sa space since first dream ko ay maging astronaut at lahat ng mga gusto ko dadalhin ko sa planet ko.

“Mga ramen shops, sinehan, lahat po ng gusto ko dito sa earth dadalhin ko sa sarili kong planeta para makalayo na rito at makagawa ng sarili kong planeta,” saad ni Elijah.

Samantala, sumalang si Elijah sa “Totropahin O Jojowain” challenge at may disclaimer kaagad siyang, “May makapanood man nito, or kakilala ko, laro lang, pasensya na guys.”

Una naming binanggit ang hot actress na mainit na pinag-uusapan sa social media, si Bea Alonzo, “Jojowain po, ang husay niyang artista, napakaganda at mukhang may stand at moral sa buhay kaya jojowain ko. Hindi ko pa po siya nakikilala pero siyempre Bea Alonzo siya everybody knows her.”

Ang bagong Darna sa panahon ng pandemya, si Jane de Leon na napapanood ngayon sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, “Totropahin po kasi hindi ko pa po siya kilala.  May idea ako kung sino siya pero pag nagkakilala siguro po kami baka jowain na.”

Ang babaeng masayahin kamakailan ay sinabihan ng “love you” ni Rico Blanco, si Maris Racal. Natawa si Elijah, “Totropahin kasi naging partner na po ‘yan ni Kokoy (Stay in Love sa TV5), so sila na lang bahala, charing. Parang masaya siyang kasama, nakikita ko vlogs niya ‘yung vlog nila ni Kokoy napanood ko so feeling ko masaya siyang kasama kaya totropahin.”

Inamin din ni Elijah na tinanong niya si Kokoy kung ano ‘yung lambingan nila ni Maris off-cam, “Opo, sabi ko, ano ‘to Baby (tawag niya sa partner niya sa Gameboys).”

Gandang-ganda naman ang aktor kay Maja Salvador, “Jojowain po same lang po with Bea Alonzo, mahusay na artista, maganda ang moral and principles in life at mukhang masaya rin siyang kasama saka maganda po talaga.”

E, si Kim Chiu, “Totropahin po siguro. Nakita ko siya sa Taumbayan (restaurant) years ago kasama niya si Bela Padilla at Angelica Panganiban, silang magkakasama ang saya-saya sa lamesa. So totropahin po.”

Nalito naman si Elijah kay Liza Soberano, “Totropahin po, hindi kasi ako masyadong mahilig sa mestiza but Liza is very beautiful hindi naman maitatanggi ‘yun saka maganda ang stand niya sa buhay sa politics man, may ipinaglalaban siya sa buhay. Naku, jojowain na lang po. Ganu’n po, nakaka-turn on po talaga ‘yung may mga ipinaglalaban sa buhay.”

Ang nakasama niya sa pelikulang “Bala at Baril” na si Janine Gutierrez, “Jojowain din po kasi nakasama ko ‘yan sa Babae at Baril, napakabait po na tao. One of the best actresses we have right now.”

At sobrang hanga rin siya kay Kathryn Bernardo, “Jojowain po siguro…ang hirap! Mahusay, grabe I’m such a big fan ng ‘Hello, Love Goodbye’ and even sa ‘The House of Us.’ Pero ayokong awayin ng fans nila,” tumawang sabi ni Elijah.

Jojowain din ang tingin niya kay Shaina Magdayao, “Yes jojowain.  Napanood ko na po siya sa ‘Past Present Perfect,’ parang masaya po siyang kasama saka kalog siya. Such a talented actress also. Saludo po ako sa kanya sa mga ginagawa niyang movie with direk Lav Diaz.”

Nang banggitin naman ang pangalan ni Erich Gonzales, “Totropahin parang same with Jane de Leon hindi ko pa po siya na-meet. Hindi ko siya kilala as a person, hindi kami nagko-cross path.”

Hindi rin kilala pa ni Elijah si Andrea Brillantes, “Same with Jane de Leon po hindi ko po kilala pa, karamihan po kasi mga nakakatrabaho ko veteran actors kaya wala pa po ako kaibigan na kaedaran ko sa industriya.”

Pero si Agot Isidro, “Jojowain po, I love her, yes! I mean nakakausap ko po siya before sa Taumbayan, I really admire her stand din, how she thinks, how she talks, and she’s also a beautiful woman. Kapag may taong ganu’n matapang it’s very admirable for me.”

At ang stand ni Elijah sa mga nangyayari ngayon sa gobyerno, “Ako po parati akong papanig sa mga taong nangangailangan ng tulong, sa mga taong nagdusa kaya feeling ko po sa mga aksyon na ginagawa ngayon ng administration parang one year na tayong ganito at wala pang masyadong progress and even sa simula palang idinadaan na sa violence.

“Hindi po ako fan ng ganu’n klaseng pamumuno, ng ganu’ng klaseng leadership o kung anuman (puwedeng) tawagin. Nandoon po ako sa pagiging makatao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Okay ‘yung mamuno ka at the same time maging makatao ka sa mamamayan and hindi ko po masyadong nararamdaman ngayon sa administrasyon,” paliwanag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending