Miles Ocampo nagparetoke raw ng ilong, fans nag-react: Pumayat lang po talaga sya | Bandera

Miles Ocampo nagparetoke raw ng ilong, fans nag-react: Pumayat lang po talaga sya

Alex Brosas |April 08,2022
facebook
share this

Miles Ocampo nagparetoke raw ng ilong, fans nag-react: Pumayat lang po talaga sya

Alex Brosas - April 08, 2022 - 12:45 PM

Miles Ocampo nagparetoke raw ng ilong, fans nag-react: Pumayat lang po talaga sya

MAY napansing pagbabago ang fans and followers ni Miles Ocampo sa kanyang latest Instagram post.

Nag-post ng seven photos si Miles at marami naman ang humanga sa kanyang ganda. Isang “Hiiiiii” lang ang caption ng dalaga sa kanyang mga litrato.

Marami ang nakapansin sa malaking ipinagbago ng hitsura ni Miles. Ang feeling ng ilang fans ay nagparetoke ito ng ilong na talaga raw kapansin-pansin. Malaki rang ang ipinagkaiba ng ilong nito sa dati niyang kaya naman nag-react ang fans.

“prang my nagbago sa mukha,” say ng isang fan.

Nag-agree naman ang isang supporter ng dalaga who said, “Yun din napansin ko mas gusto ko Yung dati sya.”

“make lng ba or nagpatangos?” tanong ng isang faney.

“nagpa tangos tsaka yung chubby cheeks pinabawasan,” sagot naman ng isang girl.

“Tumangos yung Ilong ah,” said one female fan.

“wala po pumayat lang po talaga sya tyka sa make up nya den mejo makapal,” say ng isang fan ng dalaga bilang pagtatanggol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miles Ocampo (@milesocampo)

* * *

 

Sobrang na-miss kaagad ni Dimples Romana ang kanyang anak na si Callie Ahmee na nasa Australia na ngayon upang mag-aral ng Aviation.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng photos ang mainstay ng “Viral Scandal” kung saan ipinakita niya ang kalagayan ng kanyang anak sa Australia.

Makikita sa photos na ipinost ni Dimples na nag-aayos ng bagong refrigerator ang anak. May photos din na kuha sa beach dahil malapit dito ang tinitirhan ng anak ng aktres.

“Real-time proof of life of Ate @callieahmee Week 1 being away from home.

“Buhay single, buhay estudyante, buhay Aussie on your own.”

‘Yan ang caption ni Dimples sa kanyang post.

Basta anak, pag nalulungkot ka, namimiss mo luto namin, Di kasya fridge na nabili mo, Walang mag assemble ng gamit na nabili mo, lagi mong alalahanin, GUSTO MO ito,” dagdag pa ng bida sa “Viral Scandal”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Aaaaat may magandang beach naman sa tapat ng Building nyo. KAYA MO ITO. Love you future Capt CAL Ahmee,” sey pa ni Dimples.

Related Chika:
Miles Ocampo, Elijah Canlas magdyowa na; nagkadebelopan dahil sa tuksuhan

Miles, Michelle gaganap na magdyowa sa love story ng 2 flight attendant-vlogger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending