Angel Locsin trending dahil sa 2024 ABS-CBN Christmas ID, fans na-sad
TRENDING ngayon ang Kapamilya actress na si Angel Locsin sa social media matapos bumandera ang 2024 Christmas ID ng ABS-CBN.
Naging usap-usapan kasi ng mga netizens ang posibleng paglabas daw ni Angel sa naturang Christmas ID na ni-launch kahapon, December 2.
Umasa raw kasi ang mga loyal fans and supporters ng premyadong aktres na muli nilang masisilayan ang kanilang idolo makalipas ang mahigit dalawang taong pagkawala sa showbiz.
Habang isinusulat ang balitang ito ay mainit pa ring pinag-uusapan si Angel sa social media at nananatiling trending topic sa X (dating Twitter).
Baka Bet Mo: Jennylyn, Carla waley sa 2024 GMA Station ID, lilipat na sa ABS-CBN?
Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon sa socmed.
“Inabangan ko talaga si Angel Locsin kagabi kahit manlang sulyap..hoping and praying na may comeback siya sa 2025 kahit judge lang.”
View this post on Instagram
“Since being a hiatus. Everyone’s misses Angel Locsin, She trended coz kapamilya viewers want to see her !!! Hoping she appears next year on abs cbn CSID.”
“Angel Locsin when ka ba babalik? Miss ka na ng lahat.”
“Akala ko may appearance si Angel Locsin sa #ABSCBNChristmasID2024.”
“Pero akala ko din talaga nagpakita na siya dahil trending na naman siya. Infer, more than 2 years nang inactive pero di pa rin sanay ang mga tao na wala siya, dami pa rin talaga naghahanap sa kanya. Partida laos na daw yang lagay na yan ah.”
“Pagkakita ko na trending si Angel Locsin, click ako agad agad dahil akala ko nagpakita na siya sa wakas. Pero hindi pa pala.”
Sa panayam namin sa BFF ni Angel na si Dimples Romana, super happy pa rin daw ang aktres sa married life nila ni Neil Arce.
“I get to see her naman, she’s very, very happy and happily married, and Neil is taking very good care of her,” ang pahayag ni Dimples.
Nakiusap din ang Kapamilya actress at celebrity mom sa madlang pipol na huwag gawing basehan ang social media sa estado ng relasyon ng mga taga-entertainment industry matapos kumalat ang tsismis na hiwalay na raw sina Angel at Neil.
“The thing is, people are so involved with social media that we think if we don’t see married people posting online together, parang hiwalay na sila!
“No po! Hindi ibig sabihin wala sa social media, doesn’t mean it’s not happening,” sey pa ni Dimples.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.