‘Bola’ ni David pinanggigilan, nilandi ng netizens: Nagkakasala ako!
LAUGH kami nang laugh sa mga paandar na comments ng mga netizens sa litratong ipinost ng Kapuso hunk actor na si David Licauco.
Nakakaloka! Talagang super react na may halong kalandian at kabastusan ang mga fans nang bumulaga sa kanila ang picture ng binata sa kanyang Facebook account.
Dito makikita ang leading man ni Barbie Forteza sa nagtapos nang Kapuso series na “Pulang Araw” na nakasuot ng basketball uniform at hawak-hawak ang bola ng basketball.
Baka Bet Mo: Hirit ni Andrea sa tanong ni Vice kung type niyang sumali sa pasahan ng bola: ‘Ayoko na’
Kanya-kanyang interpretation ang mga netizen sa litrato ni David na ang kuha ay mula sa ibabang bahagi ng kanyang katawan kaya tanaw na tanaw din ang maiilaw na building sa kanyang paligid at ang madilim na kalangitan.
View this post on Instagram
Base sa mga nabasa naming comments, kilig na kilig at gigil na gigil sila sa kakisigan, kagwapuhan at kakyutan ni David habang hawak ang bola ng basketball.
“Nagkakasala ako, Linggo pa naman! Jusko!”
“Ganito ba view kapag nasa ilalim mo?”
“I like the view but I love you the most.”
“Dapat hindi ka nag itim na short bhe.”
“Eto na po, luluhod na po. I love you baby David ko!”
“Nakakanginig naman ng laman sa kilig hahahaha, ang guwapo.”
“Napagalitan na naman ako ng mama. ba’t ko daw sinisinghot phone ko! hmmp!”
“Alam kong masakit kaya ibasketball mo lang para mawala pansamantala.”
“Ganito pala pakiramdam maging pupu sa daan.”
Samantala, hindi pa rin nagsasalita si David sa umano’y pagiging third party niya sa breakup ng ka-loveteam niyang si Barbie at ng ex-boyfriend nitong si Jak Roberto.
Ito’y sa gitna rin ng balitang naghiwalay na rin daw sila ng kanyang non-showbiz girlfriend. Sa isa niyang social media post ay sinabi ng Kapuso actor na ni “chill lang” siya sa mga naglalabasang chika tungkok sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.