Jennylyn, Carla waley sa 2024 GMA Station ID, lilipat na sa ABS-CBN?
TAKANG-TAKA ang mga Kapuso viewers kung bakit wala ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa bagong Station ID ng GMA Network.
At hindi lang si Jen ang waley sa inilabas na 2024 GMA SID, marami pang ibang Kapuso stars ang hindi namataan dito kabilang na sina Carla Abellana at Megan Young.
Mapapanood sa naturang station ID sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Michael V, Dennis Trillo, Alden Richards, Barbie Forteza at Julie Anne San Jose na isa sa mga kumanta sa theme song na “Isa Sa Puso Ng Pilipino.”
Nasa video rin ang mga broadcast journalist at host na sina Jessica Soho, Mel Tiangco, Howie Severino, Vicky Morales, Kara David, Atom Araullo, Sandra Aguinaldo, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Maki Pulido, Mariz Umali, Raffy Tima at Emil Sumangil.
Present din sina Boy Abunda, Heart Evangelista, Bea Alonzo, Pokwang at Kim Atienza. Naroon din ang mga youngsters na sina Jillian Ward, Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Kyline Alcantara.
Baka Bet Mo: Jennylyn ‘sumemplang’ sa big bike, iniligtas ng kumpletong gear
Mapapanood din sa GMA SID sina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, Kylie Padilla, Andrea Torres, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Rochelle Pangilinan, Glaiza de Castro, Tom Rodriguez, Jasmine Curtis at Mikael Daez.
So, ano ngang nangyari kina Carla, Jennylyn at Megan? Kabilang ba sila sa mga nababalitang lilipat sa ABS-CBN?
In fairness, matagal nang chika na mag-oober da bakod na si Jennylyn sa ABS-CBN mula pa noong mabalita ang pagpirma niya ng recording contract sa Star Music.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon hinggil sa isyu ng station ID ng GMA.
“Sobrang daming wala sa station ID ng GMA ngayon. Wala si Jen, Carla, Iya, Drew, Megan, Max etc. bitin tuloy.”
“Some are complainging about the groupings in GMA station ID. I’m pretty sure kung sino ang Important sa kanila –yun ang binigyan ng solo frame.”
“PS: Naiyak ako while watching. Was rooting to see some stars but the universe has its own course. Yet, aclassic reminder to be one in heart. Proud to be kapuso.”
“Maganda yung new station ID ng GMA. Classic & Elegant. Maganda yung kanta. Hindi forgettable yung lines. Marami lang talagang kulang. Isa sa pinaka ayaw ko sa GMA now. Hirap silang pagsama-samahin mga artists nila. Iba pa rin yung dati, nakakakilabot.”
“We love this sm @gmanetwork , but we’re still hoping for a full cast GMA Station ID. We are entering a new era so yeah… please ???????? love youuu.”
Sa isang panayam kay Jennylyn sinabi niyang forever siyang magiging grateful and thankful sa GMA 7 pati na rin sa lahat ng kanyang fans.
“Muli akong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa akin simula StarStruck hanggang ngayon. Lahat ng meron ako ngayon ay dahil sa inyo.
“All my dreams came true because of all of you.I am deeply humbled. Maraming maraming salamat sa inyong lahat,” ani Jennylyn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.