Jennylyn matakaw pero 'di tumataba, secret ibinuking ni Dennis

Jennylyn matakaw pero ‘di tumataba, napupunta sa balakang, pwet ang lafang

Ervin Santiago - February 25, 2025 - 12:10 AM

Jennylyn matakaw pero 'di tumataba, napupunta sa balakang, pwet ang lafang

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

MARAMING nagtatanong kung retokada rin ba ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado dahil halos perfect na raw ang itsura nito ngayon.

Ilang netizens ang na-curious kung sumailalim din ba ang wifey ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa beauty enhancement matapos makita ang mga lumang pictures ng aktres.

Feeling kasi nila ay may ipinagawa rin si Jennylyn sa kanyang mukha tulad ng ilan pang celebrities na ibang-iba ang itsura noon sa pagmumukha nila ngayon.

In fairness may mga artistang diretsahang umaamin na proud retokada sila pero meron din namang ayaw ipangalandakan sa buong universe na may mga ipinagawa sila sa kanilang mukha at iba pang bahagi ng katawan.

Sa panayam kay Jennylyn ng “Ogie Diaz Showbiz Update” ay natanong nga siya kung sumailalim ba siya sa anumang uri ng cosmetic surgery.

Baka Bet Mo: Chloe San Jose kamukha raw ni ‘Bride of Chucky’, tinawag pang retokada

“Wala naman, Mama Ogs. Hanapin mo, walang tahi ‘yan,” ang natatawang chika ng Kapuso star.

Sinagot din ni Jen kung ano ang kanyang sikreto at hanggang ngayon ay fresh na fresh at batambata pa rin ang kanyang awra.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


“‘Di ko lang pinapakita ‘yung mga face ko na malalaki. ‘Yun ang sikreto. ‘Wag kang mag-picture kapag malaki ka. Like nu’ng nanganak ako, ‘yun ‘yung biggest ko. 50, 60 (kilos),” pahayag ng aktres.

Ibinuking naman ni Dennis ang katakawan ng kanyang misis, “Kahit ganyan ‘yung katawan n’ya, napalakas n’ya kumain lalo na sa mga sweets.”

Mabilis daw kasi ang metabolism ni Jennylyn kaya madali nitong nabe-burn ang kanyang mga nilalafang. Mahilig din daw kasing mag-workout ang kanyang asawa kaya hindi ito tumataba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Saka napupunta sa tamang lugar ‘yung mga kinakain n’ya…sa (balakang, hita at pwet),” sey pa ni Dennis about his wife.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending