EB Babes Mergene unang nag-propose kay Jose sa Boracay

EB Babes Mergene unang nag-propose kay Jose, nangako: Iyung-iyo lang ako!

Ervin Santiago - January 05, 2025 - 12:06 PM

EB Babes Mergene unang nag-propose kay Jose, nangako: Iyung-iyo lang ako!

Jose Manalo at Mergene Maranan

HINDI rin pala naging madali para kay Jose Manalo at EB Babes Mergene Maranan ang mga pinagdaanan nilang pagsubok bago sila umabot sa pagpapakasal.

Maraming rebelasyon ang mag-asawa tungkol sa kanilang relasyon nang sumalang sila sa Sa “Bawal Judgmental Ka Ba?” segment ng “Eat Bulaga” nitong nagdaang Sabado, January 4, 2025.

Matatandaang ikinasal sina Jose at Mergene sa isla ng Baracay noong December 17, 2024 na dinaluhan ng kanilang respective families at mga malalapit na kaibigan, kabilang na ang mga “Eat Bulaga” Dabarkads.

Ayon kay Jose, nag-propose siya kay Mergene sa mismong araw ng kanyang birthday noong February, 2024 habang nakabakasyon sila sa Boracay.

Baka Bet Mo: Beach wedding nina Jose at EB Babe Mergene Maranan sa Bora star-studded

Kuwento ni Mergene, “Marami po kaming pinagdaanan sa relasyon. Hindi po perfect yung relasyon namin. Five years ago may problema kami na pinagdaanan.”

Hindi naman nabanggit ng wifey ni Jose kung anu-anong matinding challenges ang hinarap at napagtagumpayan nila ni Jose.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mergene Maranan-Manalo (@marananmergene)


Pagpapatuloy ni Mergene, may problema rin daw sila ni Jose noong magtungo sila sa Amerika noong 2023, “Kasi nu’ng time na yon, parang pagod na kami sa sitwasyon namin.

“Nagdasal ako kay Lord. Sabi ko, ‘Lord, kung plano Niyo po na hindi kami ang magsasama habang buhay, bigyan Niyo na kami ng dahilan para maghiwalay.

“‘Pero kung kami naman po yung plano Niyong magsama, pasayahin Niyo po kami. Bigyan Niyo po kami ng sign para ituloy namin to,’” lahad pa ng original member ng EB Babes.

At noong pagbalik nila sa Pilipinas, naisipan ni Mergene na mag-book ng hotel sa Boracay para sa kanila ni Jose. Nang ipakita niya sa komedyante ang hotel na tutuluyan nila ay nag-joke raw siya ng, “Iyan ang venue ng kasal natin.”

Kasunod nga nito ay ang pagpo-propose ni Jose sa kanya sa Bora hanggang humantong na nga sa kanilang pagpapakasal last December.

Pero knows n’yo ba na unang nag-propose si Mergene kay Jose noong nagbakasyon sila sa Bora. Nag-joke raw siya kay Jose at nagtanong ng, “Will you marry me?” gamit ang isang piraso hg Cheese Ring bilang singing.

Pero wala siyang kaalam-alam na magpo-propose na talaga si Jose sa kanya that night.

Sey naman ni Jose, nais niya lang daw makasiguro sa nararamdaman sa kanyanni Mergene bago niya ito yayaing magpakasal.

“Kasi sa dami ng pinagdadaanan namin, ayoko muna kasing mag-propose sa kanya. Sinisigurado ko rin kung talagang gusto niya ba ako talaga. Baka mamaya ang gandang lalaki ko lang yung habol niya,” birong chika ni Jose.

Aniya pa, “Nu’ng sinabi niya sa akin yun, naka-ready na rin naman ako, na kumukuha lang ako ng right time. Bumubuwelo lang ako.

“Pero siya na yung nagsabi sa akin, so masaya na rin ang pakiramdam ko dahil hindi na ako kailangang magtanong sa kanya. Kasi siya na nauna na nagsabi na magpapakasal kami,” esplika ng komedyante.

Unang ikinasal si Jose kay Anna Lyn Santos at nagkaroon sila ng limang anak, kabilang na ang mga aktor na sina Benj Manalo at Nicco Manalo.

Ngunit nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama hanggang sa pumanaw na nga si Anna Lyn noong June, 2022.

Pagpapatuloy ni Jose, “Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, bawat tao pala meron tayong kanya-kanya kung sino yung ibibigay sa yo.

“Kaya pala nu’ng nag-decide na kami (ni Mergenel…kasi naramdaman ko na kung papano inaayos ni Lord yung buhay ko. Unang-una yung sa trabaho na nangyari sa akin, alam naman natin kung ano yung nangyari dito sa Eat Bulaga pero nagdire-diretso siya.

“Tapos dumating na yung kasal, yung pagpo-propose ko, ‘Lord, ito na yung binigay Mo sa ‘kin,’” saad pa ni Jose.

Reaksyon naman ni Mergene sa mga sinabi ni Jose, “Sa sobrang haba ng pinagdaanan namin, sa sobrang dami pong pagsubok na nalagpasan po namin, na akala nga po namin hindi na po mangyayari.

“Lahat po kasi ng babae pinapangarap na makasal dun sa taong minamahal mo,” dagdag niya.

Sa huli, nagbitaw ng pangako si Mergene kay Jose, “Pinapangako ko simula sa araw na to, simula pa nu’ng nagkita tayo, sa yo lang ako, sa yong sa yo ako. At ikaw, at ikaw pa rin ang pipiliin ko hanggang dulo.”

Pahayag naman ni Jose, “Yung edad malayo man, yung lugar malayo man, pero ako laging nandito katabi mo lang, at hindi ako lalayo hangga’t nabubuhay ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tandaan mo to, kapag tinatama ko yung maling nakikita ko, ibig sabihin gusto kong maging maayos ka, at gusto kong mas maging maganda pa ang buhay ng mga anak mo, hindi lang para sa akin kundi para sa kanila. Mahal na mahal kita,” ang madamdamin pang pahayag ni Jose para sa asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending