Jose Manalo, Mergene Maranan bongga ang prenup, nag-photoshoot sa ‘snow’
PAK na pak ang prenup shoot ng engaged couple na sina Jose Manalo at Mergene Maranan!
Sa Instagram ibinandera ng EB Babe ang ilang litrato nila ng TV host-comedian na nag-photoshoot pa sa ibang bansa habang nag-snow.
Walang caption ang post ni Mergene, pero makikita na may iba’t-ibang view ang naging photoshoot nila at nakailang palit rin sila ng damit.
Bukod sa sweet couple, may ilang litrato rin sila na kasama ang kanilang pamilya.
Baka Bet Mo: Benj Manalo inakalang si Jay Manalo ang tunay na ama, hindi si Jose!
View this post on Instagram
Sa hiwalay na IG post, ipinakita ni Mergene ang ilang behind-the-scenes videos na kung saan ay tila nakasuot siya ng wedding gown at mayroon ding blue long gown.
Si Jose naman ay nakasuot ng suit and pants terno na kulay asul at ang isa ay all white.
Ang caption diyan ng soon-to-be-wife ng komedyante, “Canada team salamat ng marami…[happy face with hearts emojis].”
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming fans at netizens ang tuwang-tuwa sa engaged couple at karamihan ay nagpaabot ng “congratulatory” message.
Magugunitang recently lamang ibinandera nina Jose at Mergerene sa social media na engaged na sila, pero nang tingnan namin ang ilang posts ay nag-propose pala ang una noon pang Pebrero.
Mababasa sa caption na, “It’s you. It’s always been you.,” pati ang date na, “02/12/24.”
Kasunod niyan ay ibinahagi naman ng EB Babe ang pamamanhikan ng pamilya ni Jose na nangyari noon pang Mayo.
“From ‘will you marry me?’ to ‘pwede po bang humingi ng basbas?’” wika niya sa post, kalakip ang petsa na “05.06.24.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.