Beach wedding nina Jose at EB Babe Mergene Maranan sa Bora star-studded
IKINASAL na si Jose Manalo sa dating miyembro ng grupong EB Babes na si Mergene Maranan nitong nagdaang Lunes, December 17.
Naganap ang kanilang beach wedding ceremony sa Boracay na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit ng kaibigan in and out of showbiz.
Base sa mga litrato at video na ipinost ng mga bisita sa kasal nina Jose, 58, at ng kanyang long-time partner na si Mergene, 37, nangyari ang kasal sa isang beach resort sa Boracay.
Makikita sa isang video na naka-post sa official Facebook page ng “Eat Bulaga” ang paglalakad nina Jose at Mergene pagkatapos ng seremonya. Dito, hinahagisan na sila ng bulaklak ng kanilang mga invited guest.
Present sa naganap na wedding ang mga Dabarkads tulad ni Tito Sotto kasama ang asawang si Helen Gamboa, Vic Sotto with wife Pauleen Luna, Joey de Leon at asawang si Eileen Macapagal.
Siyempre, hindi mawawala ang mga kaibigan niyang sina Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Maine Mendoza kasama ang kanyang husband na si Cong. Arjo Atayde at Ryzza Mae Dizon.
Naroon din si Alden Richards, ang celebrity couples na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Kristine Hermosa at Oyo Sotto, Ice Seguerra, at Liza Diño at Ciara Sotto.
Nito lamang December 6 ibinandera nina Mergene at Jose ang kanilang engagement na mapapanood sa video na in-upload ng former EB Babe member sa kanyang Instagram.
Makikita rito ang pagkanta ni Jose kasabay ng kanyang pagpo-propose. Ang nakalagay sa caption ng video, “It’s you. It’s always been you.. (ring and red heart emoji) 02/12/24.”
Nabuo ang pag-iibigan nina Jose at Mergene noong aktibo pa ang dancer sa pagsasayaw sa “Eat Bulaga”.
Hiwalay na si Jose sa dati niyang asawang si Anna Lyn Santos nang magkaroon ng relasyon ang komedyante kay Mergene.
May lima silang anak, kabilang na ang mga aktor ding sina Benj at Nicco Manalo.
Pumanaw si Anna Lyn noong January 2022 sa edad na 54.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.