Vico Sotto feeling sentimental sa reunion nina 'Tito, Vic & Joey kasama pati si Coney', may promise sa 'Eat Bulaga' family Bandera

Vico Sotto feeling sentimental sa reunion nina ‘Tito, Vic & Joey kasama pati si Coney’, may promise sa ‘Eat Bulaga’ family

Ervin Santiago |August 02,2022
share this

Vico Sotto feeling sentimental sa reunion nina ‘Tito, Vic & Joey kasama pati si Coney’, may promise sa ‘Eat Bulaga’ family

Ervin Santiago August 02, 2022 - 07:35 AM

Tito Sotto, Coney Reyes, Vic Sotto at Joey de Leon

HINDI napigipan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang maging sentimental nangmag-celebrate ng 43rd anniversary ang Kapuso noontime show na “Eat Bulaga.”

Nitong nagdaang Sabado, muling nagkaroon ng reunion ang iconic showbiz trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon bilang bahagi ng bonggang selebrasyon ng longest-running noontime variety show sa Pilipinas at sa Asia.

Bukod dito, nakasama rin ng mga Dabarkads sa nasabing anniversary episode ang award-winning actress at nanay ni Mayor Vico na si Coney Reyes.

Makalipas nga ang mahaba-habang panahon ay muli ngang nagkasama-sama ang apat na veteran stars sa “Eat Bulaga” na talaga namang ikinatuwa ng milyun-milyong Dabarkads all over the universe.

At isa na nga riyan si Vico na talagang nag-post pa ng litrato nina Tito, Vic & Joey with Coney na kuha sa episode ng “EB” nitong nagdaang Sabado.

Nanghinayang nga raw ang alkalde ng Pasig dahil hindi niya napanood nang live ang programa.

“Di ko akalain na makakakita pa ko ng Bulaga na may ‘Tito, Vic, and Joey, kasama pati si Coney!’

“Baby pa ko nu’ng huling episode na nandun si Mama!!

“Sayang di ako nakanood ng live. Sa 50th Anniversary, sisiguraduhin kong nasa live audience ako,” ang caption na isinulat ni Mayor Vico sa kanyang FB post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vico Sotto (@vicosotto)


Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens sa FB status ng batang alkalde.

“Prior to the anniversary, while watching the segment BIDA NEXT sabi ko sana guest nila si Connie Reyes na mag interview sa contestants. She was my favorites gustong2 ko yung chemistry nila ng TVJ. I became more interested when she get pregnant and gave birth to Vico hanggang sa kanyang light camera action. Sana ibalik sya sa eat Bulaga.”

“Happiest Anniversary!! To All cast of EAT BULAGA esp to ur Mom Mayor Vico Sotto.”

“My teens time with these legends. Coney a sweet and intelligent cast I also missed the cheerful Ruby, hope she’s there too. Happy Anniversary!!”

“Love to you see you back in EB ms Coney Reyes, a legit OG dabarkads, kayong 4 ang talagang naabutan/naumpisahan kong napanood na hosts ng EB. Hope to see you again in EB kahit once a week lang po.”

“The most talented and well respected Ms Connie Reyes, one avid fan here! May God always guide and protect you!”

“Ang bait ni Ms. Connie Reyes, nasalubong ko sa isang mall  sa QC so many year back
nag reply sya sa pag bati ko…..ang ganda ganda nya. Love u Ms. Connie Reyes.”

“Oh yes those were the best bulaga days – masaya ang kulitan nila, they’re wonderful to watch, maganda ang chemistry nilang 4 (Tito, Vic, Joey and Ms Coney) esp nun nakasama na si Aiza – it was the best!”

“Sa lahat Ng samahan ito lang talaga napanood ko na Eat Bulaga group Tito, Vic, joe the best groupies Mula noon Bata pa Ako eat Bulaga di nag hiwalay Sila parin. Congratulations best group. God bless you Po.”

#AyawPaawat: Vic, Coney nagpakita ng suporta sa anak na si Vico Sotto

Vico Sotto muling tatakbo bilang alkalde ng Pasig City

Ano kaya ang trabaho ni Vico ngayon kung hindi siya nanalong mayor ng Pasig?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending