Benj Manalo inakalang si Jay Manalo ang tatay, hindi si Jose

Benj Manalo inakalang si Jay Manalo ang tunay na ama, hindi si Jose!

Ervin Santiago - August 26, 2024 - 07:44 AM

Benj Manalo inakalang si Jay Manalo ang tunay na ama, hindi si Jose!

Jay Manalo, Benj Manalo at Jose Manalo

INAKALA pala ng actor-singer at negosyanteng si Benj Manalo na ang tunay niyang tatay ay si Jay Manalo.

Si Benj ay anak ng TV host-comedian na si Jose Manalo pero 2-years-old pa lang daw siya ay naghiwalay na ang mga magulang niya.

Sa pagbisita ni Benj at ng asawa niyang si Lovely Abella sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Friday, August 23, ay naichika nga ng aktor ang tungkol kay Jay Manalo.

Baka Bet Mo: Benj Pangilinan pampa-’good vibes’ ang bagong single na ‘Dance Like You’

“Ang alam ko lang, ang tatay ko was nagtatrabaho sa showbiz industry and nag-start sa letter J. Ang kilala ko lang that time was si Jay Manalo,” seryosong sabi ni Benj.

Nang makapasok na raw siya sa mundo ng showbiz, nagkaroon daw siya ng pagkakataon na makausap at makilala nang personal si Jay sa isang party.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Benj Manalo (@benj)


Kasama raw niya that time ang mga premyadong artist na sina Joel Torre at Cherry Pie Picache.

“Nakita namin sa isang party si Tito Jay. Sabi nila ‘Jay, ipakikilala namin sa ‘yo si Benj.’ Tapos sabi lang niya, ‘O Benj!’” ang kuwento ng mister ni Lovely.

Kasunod nito binanggit nina Joel at Cherry Pie na “Manalo” rin ang apelyido ni Benj. Nagkatinginan nang ilang segundo sina Jay at Benj dahil dito.

Baka Bet Mo: Kapatid ni Donny Pangilinan na si Benj certified singer na rin, naglabas ng debut single

“It was a running joke. Hanggang nakilala ko siya, akala niya talaga anak niya ako for about 15 to 20 minutes,” pag-alala pa ni Benj.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)


“Sina Ms. Pie at Tito Joel sabi nila, ‘Jay, joke lang, joke lang. Akala niya lang talaga ikaw ‘yung tatay niya from the beginning,'” ang sabi pa raw ng mga ito.

Pagbabahagi pa ni Benj, nasa 4th year high school na raw siya nang makilala at makita ang tatay niyang si Jose.

“Noong nakita siya sa school na si Jose Manalo ito, iba kaagad ‘yung yabang ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“What more kung hindi ko napagdaanan ‘yun (paghihiwalay ng kanyang parents)? For sure, siguro ngayon mayabang na mayabang ako,” sey pa ni Benj.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending