Vince Rillon nakiliti sa romansa ni Jay Manalo sa 'Hosto': Hindi pa nagte-take, nilalandi at inaamuy-amoy na niya ako sa kama' | Bandera

Vince Rillon nakiliti sa romansa ni Jay Manalo sa ‘Hosto’: Hindi pa nagte-take, nilalandi at inaamuy-amoy na niya ako sa kama’

Ervin Santiago |June 15,2023
facebook
share this

Vince Rillon nakiliti sa romansa ni Jay Manalo sa ‘Hosto’: Hindi pa nagte-take, nilalandi at inaamuy-amoy na niya ako sa kama’

Ervin Santiago - June 15, 2023 - 07:24 AM

Vince Rillon nakiliti sa romansa ni Jay Manalo sa 'Hosto': Hindi pa nagte-take, nilalandi at inaamuy-amoy na niya ako sa kama'

Ali Asistio, Denise Esteban, Angela Morena at Vince Fillon

NAKAKALOKA ang sex scene nina Vince Rillion at Jay Manalo sa latest Vivamax Original movie na “Hosto” mula sa Center Stage Productions ni Brillante Mendoza.

Napanood namin ang pelikula kamakalawa sa ginanap na private screening na dinaluhan din ng halos lahat ng cast members sa pangunguna nga ng dalawang aktor.

In fairness, sa simula pa lang ng “Hosto” ay bumandera na agad ang paghahalikan at love scene nina Jay at Vince na ikina-shock ng mga imbitadong members ng entertainment media.

Si Jay ang gumaganap na gay lover ni Vince sa pelikula na tutulong sa kanya para makapunta at makapagtrabaho sa Japan sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya lalo na ang asawa’t anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JAY MANALO (@jaymanalo30)


Sa naganap na Q&A portion after ng special screening ay natanong nga si Vince kung kumusta katrabaho si Jay lalo na sa mga pinaggagawa nilang eksena sa kama.

“Unang-una, sina Kuya Jay, sina Kuya Joko (Diaz) yung mga yan, mga kuya ko. Kapag nagkikita kami niyan, solid na kami. Marami kaming pinagkukuwentuhan.

“Dati, ikinuwento rin niya sa akin na yung pagdya-Japan, parang na-experience niya ang ganyan. Tapos ito namang paghalik niya sa akin, sinabi ko sa kanya yun. Sabi ko, ‘Kuya Jay, mag-ahit ka naman.’ Sabi ko, nakikiliti ako.

“Sabi niya, ‘Hindi, nag-ahit na ako!’ Sabi ko, ‘Ba’t ganu’n? Meron pa rin,’ ganyan-ganyan. Tapos, pagdating pa lang daw niya rito, bakla na siya. Talagang dyowa na raw niya ako,” seryosong kuwento ni Vince na itinanghal na best actor sa 19th 19th Asian Film Festival sa Rome last year para sa pelikulang “Resbak” ni Brillante Mendoza.

Patuloy pa ng aktor, “Akala ko nu’ng una, nagti-trip lang siya. So, ganu’n pala siya. Hindi siya ka-solid na alam mo yun. Basta pagpunta niya, ayun ang role niya, bakla siya, ganyan. Hindi pa nagte-take, nilalandi na niya ako sa kama.

Baka Bet Mo: Vivamax sexy stars Angela Morena, Denise Esteban umaming nakapanood na ng porn; parehong palaban sa hubaran

“Ginaganu’n niya ako, ‘Hmmmm!’ Inaamuy-amoy niya ako. Sabi ko, ‘Kuya, naka-experience ka na ba ng ganito, ganyan-ganyan?’

“Tapos yun nga, du’n kami nagkaroon ng connection. Sabi niya sa akin, ‘Akting lang ‘to, hayaan mo ako.’ ‘Sige, kuya, sundan kita. Ikaw gumalaw.’ So ayun, inalalayan ako ni Kuya Jay, kaya nagpapasalamat din ako sa kanya,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vince Rillon (@vince_rillon)


Chika pa ng binata, totoong nakiliti siya habang hinahalikan at hinahawakan siya ni Jay, “Pero alam ni Kuya Jay… Jay Manalo, gaganu’n! Pucha, ang tigas-tigas nu’n, e!

“Lalaking-lalaki yan, e. Idol ko rin yan, di ba? Si Kuya Jay, totoo siya. Wala siyang pakialam, pinagpapawisan kami sa kama. Sabi niya, ‘Hindi, hindi! Hayaan mo yan!’ Sabi niya talaga nung inaano niya yung ano ko.

“And then yun nga, inaalalayan niya ako. Pag humahalik siya, humahalik na rin ako sa kanya,” kuwento pa ni Vince.

Bukod kay Jay, pasabog din ang mga love scene ni Vince sa mga Vivamax bombshell na sina Alexa Ocampo at Angela Morena, idagdag ang romansahan nila ng isang Japanese actress na gumanap bilang matronang customer niya.

Kasama rin sa “Hosto” sina Ali Asistio, Denise Esteban, Isadora at PJ Abellana, mula sa direksyon ni Jao Daniel Elamparo. Mapapanood na ito sa Vivamax simula sa Friday, June 16.

Hirit ni Ellen sa tanong kung magaling si Derek sa kama: I wouldn’t marry him if he was bad in bed!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jay Manalo ayaw nang tumodo sa paghuhubad, ibibigay na ang trono kay Sean de Guzman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending