Hirit ni Ellen sa tanong kung magaling si Derek sa kama: I wouldn’t marry him if he was bad in bed! | Bandera

Hirit ni Ellen sa tanong kung magaling si Derek sa kama: I wouldn’t marry him if he was bad in bed!

Ervin Santiago - July 03, 2022 - 11:25 AM

Ellen Adarna at Derek Ramsay

DIRETSAHANG ibinandera ni Ellen Adarna sa social media kung gaano kagaling sa kama ang asawang si Derek Ramsay.

Ayon sa dating sexy star, hrindi raw niya pinakasalan ang hunk actor kung hindi raw ito “good in bed.”

Nagkaroon ng question and answer session si Ellen sa Instagram kamakailan kung saan game na game niyang sinagot ang ilang personal at kontrobersyal na tanong.

Aniya naglalaro raw kasi ng golf si Derek at nabo-bore na raw siya kaya nakipagchikahan siya sa kanyang IG followers.

Sa kanyang Instagram Stories kahapon, July 2, ipinost ng aktres ang ilan sa mga tanong ng netizens. Isa na nga rito ay kung magaling ba sa kama si Derek.

Sagot ni Ellen, “‘Day, I wouldn’t marry him if he was bad in bed. ‘Di man ko batig nawong (Hindi kasi pangit ang mukha ko).”

Patuloy pa niya, “Naa ko’y (meron akong) standards, naa ko’y (meron akong) checklist.

“Before, I really had no plans of getting married so I don’t, dili ta mosyatol ug kanang so-so (so hindi tayo basta-basta pumatol na lang),” sey pa ng celebrity mom.

Dugtong pa ni Ellen, “So, ma-feel man jud nimo ang vibes sa tawo, feel nimo ang vibes ni Derek, high energy kayo. Ma-feel sad nimo akong vibes so mao na among vibes (So, ma-feel mo naman ang vibes ng isang tao, na-feel mo ang vibes ni Derek, sobrang high energy. Ma-feel mo din ang aking vibes, so yan ang vibes namin).”

Natanong din si Ellen kung ano ang  ginagawa niya kapag may mga babaeng lumalandi o nakikipag-flirt sa asawa, lalo na yung mga nagpapadala ng private massage.

“Unsay angay buhaton sa mga babae nga cge ug flirt sa imong bana (Anong dapat gawin sa mga babaeng patuloy na lumalandi sa iyong asawa)?” tanong ng isang IG user.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


Tugon ni Ellen, “Ambot, pasagdan ra ‘Day kay sa akong experience with Derek, daghan magsigeg message niya nga mga babaye niya ipakita na niya nako (Ewan, hinayaan na lang namin dahil sa aking experience kay Derek, ang daming patuloy na nagmi-message sa kanya na mga babae, ‘tapos ipinakita niya ito sa akin).

“Mura na nag-entertainment namo, kay kataw-unon man ang uban. So pasagdan ra jud, entertainment (Parang entertainment na lang sa amin, kasi nakakatawa ang karamihan. So hinayaan na lang, entertainment),” aniya pa.

Sunod na tanong sa kanya kung hindi ba siya naiinis sa mga nagmi-message kay Derek, sagot ni Ellen (translated na sa Tagalog), “Dalawa lang na mood yan ‘Day, tingnan mo ang picture, depende kung duguin ka or hindi. ‘Hala, ang pangit naman ng itsura nito nag-message message, hala siya ang lupit.’ Or, ‘Peste ang pangit ng mukha nag-message message naman ito?”

Nagpakasal sina Derek at Ellen noong Nov. 11, 2021 sa isang napakagandang lugar sa Bataan.

https://bandera.inquirer.net/294579/kc-nakumpleto-na-ang-laman-ng-apartment-sa-hollywood-umaming-adik-na-adik-sa

https://bandera.inquirer.net/302836/geneva-pumayag-makipag-bed-scene-sa-teleserye-todo-explain-sa-anak-thats-acting-baby

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/279962/team-kramer-kasya-sa-isang-kama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending