Derek sa pagbubuntis daw ni Ellen: Wala pa...trying na kami!

Derek sa pagbubuntis daw ni Ellen: Wala pa…trying na kami, trying!

Reggee Bonoan - September 04, 2024 - 08:37 AM

Derek sa pagbubuntis daw ni Ellen: Wala pa...trying na kami, trying!

Ellen Adarna, Derek Ramsay at Elias Modestro Cruz

NAALIW kami sa pakikipagtsikahan ni Derek Ramsay sa content creator at radio host na si Morly Alinio para sa kanyang na “Ito Ang Tondo”.

Binati kasi agad ng “congratulations” ni Morly ang aktor dahil nga napabalitang buntis na raw ang asawang si Ellen Adarna-Ramsay.

Nabanggit kasi ng aktor na ipinagawa na niya ang dream house nila ni Ellen kung saan siya magpapalaki ng pamilya.

Baka Bet Mo: Kris Aquino mahinang-mahina ang katawan, hindi pa kayang maglakad mag-isa

Sabi ni Morly, “Sabi mo nagpapalaki ng pamilya and congratulations!”

Ang sarap ng tawa ni Derek sabay sabing, “Nyaaaa! Ha-hahaha! Wala (sabay high five nila ni Morly). Ikaw talaga!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


Inulit ni Morly ang pagbati, “Congratulations!”

“Para saan?” tanong ng aktor.

“Para sa bagong baby,” sagot naman ni Morly.

“Hindi, wala pa, wala pa,” sambit ng hubby ni Ellen.

Sundot ni Morly, “Happy ka?”

“Oo, sobra very, very happy na ‘yung buhay ko ngayon sobrang kumpleto na, ‘yung families naming mag-asawa sobrang magkasundo.

“Naghahanap nga ako ng problema kasi my life (now) is really, really good, I’m at peace, there’s no more stress, basta pag binless na kami ng baby girl or baby boy ready na ako.

“Yun (na) lang ang kulang sa buhay ko, but kahit wala masaya ako sa buhay ko kasi may baby Elias (anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz) na ako and I have the perfect wife, sometimes perfect,” sabi ni Derek.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin nanawagan sa madlang pipol na ipag-pray si Kris: Ang sama-samang panalangin po ay mas mabilis na nadidinig

Inamin din ng aktor na maraming nag-aabang na magkaroon na sila ng anak ni Ellen maging ang mommy (Remedios Ramsay) niya ay panay ang punta sa Manaoag Church sa Pangasinan para ipanalangin ito.

Sabay sabi ni Morly, “Kaya pala ang guwapo mo ngayon dahil…(tumatawa ulit).”

Natatawa rin si Derek, “Pangit ba ako?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)


Sabay paliwanag ni Derek, “We’re very private people (now), siguro ilang taon ng buhay namin ay ibinigay namin to the public, so, for me and Ellen tahimik lang kami ngayon.

“We’re just living our life, enjoying our life, enjoying what we worked so hard for, enjoying our company, enjoying our love for each other, and enjoying the blessing giving to us, we have this beautiful life together,” aniya.

Nabanggit pa ng aktor na nahanap na niya ang contentment sa buhay at hindi raw kailangan ng milyones para maging masaya dahil sobrang ito ang nararamdaman niya ngayon.

Tumatawang biro ni Morly, “Naniniwala naman ako sa ‘yo, pinaglihian ka pa nga, eh (sabay halakhak at hampas kay Derek).”

Nasambit na lang ng future dad na tumatawa rin, “Walanghiya ka!”

“Pag magkaibigan (talaga) walang patutunguhan ‘tong (usapan),” tumatawang sabi rin ni Morly.

Tinanong ng host kung paano tumatakbo ang araw ng mag-asawa, kung ipinagluluto ba siya ni Ellen at paano ito maglambing sa kanya.

“I think mas malambing ako kay Ellen, minsan clingy ako gusto ko lagi ko siya hinahawakan, more on physical affection, touching her. Si Ellen hindi nagluluto ‘yan, (pero) magaling mag order (food delivery).

“Nagluluto ako pero hindi ko masasabing magaling ako, nago-order din ako pero mas magaling mag -order si Ellen,” seryosong sabi ni Derek.

Dumako ang usapan kay Elias na nahihiram daw ni Lloydie tuwing weekends kasi nga may pasok ang bata kapag weekdays.

“Kumusta kayo ng father niya (JLC),” tanong ni Morly.

“He (Elis) gets to spend a lot of time with his father, wala naman kaming problema hindi naman kami bestfriends hindi rin (magkaaway),” pahayag ni Derek.

Sa tanong ni Morly kung inaangkin ng aktor ang karapatan ni Lloydie sa anak, “No! I will never disrespect (and) I know my place kung baga second best (ako) at hanggang doon lang ako,” katwiran ng aktor.

Papa D ang tawag ni Elias kay Derek at Dada naman sa amang si John Lloyd. Kapag may pasok ay si Papa D ang sumusundo sa bata na nasa loob lang daw ng village nila at minsan gamit nito ang golf cart at minsan ay kasama si Ellen.

Kinumusta rin ni Morly si Austin Ramsay ang panganay ni Derek na nag-aaral daw ngayon sa United Kingdom at nasa ikalawang taon na ng kolehiyo sa kursong computer science at aminadong hindi kamukha ng aktor ang anak dahil mas nakuha nito ang features ng ina.

Seryosong tanong ni Morly, “May binata ka na pero happy si Austin at si Elias na may darating na?”

Tumawa na naman si Derek, “Sana i-bless (muwestra) kami ni Lord na may darating na, trying na kami, trying.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, marami pang topic sa tsikahan nina Derek at Morly kaya abangan ang part 2.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending