Derek, Ellen binisita ni Pernilla Sjoo viral na, nag-ninang sa binyag?

Derek, Ellen binisita ni Pernilla Sjoo viral na, nag-ninang sa binyag?

Pauline del Rosario - February 28, 2025 - 11:38 AM

Derek, Ellen binisita ni Pernilla Sjoo viral na, nag-ninang sa binyag?

PHOTO: Instagram Story@ramsayderek07

VIRAL sa social media ang recent Instagram Stories ng aktor na si Derek Ramsay.

Hindi na naabutan ng BANDERA ang naturang post, pero maraming netizens ang nakapag-screenshot at share nito sa kanilang account.

Ang naging usap-usapan kasi ay ‘yung pagbisita ni Pernilla Sjoo sa bahay ng celebrity couple na sina Derek at Ellen Adarna.

Isa na riyan ang naging post ng Facebook user na KuMarites na makikitang nasa gitna ng couple ang kaibigan nilang Swedish photographer.

Baka Bet Mo: Derek Ramsay pinagtripan ang nagsabing hindi anak si Baby Lily

Ang caption pa riyan, “Pernilla nasa Manila narin ngayon mula sa Isla Siargao straight sa bahay ng mga kaibigan Derek Ramsay at Ellen Adarna [red heart, smiling face, airplane emojis].”

At sa mga curious kung bakit kasama ng married couple si Pernilla?

Tila ginawa kasi itong ninang para sa binyag ni Liana, ang first baby nina Derek at Ellen, base na rin sa post ng aktor sa isang IG Story.

Makikita rin sa litrato na kasama rin sa nasabing binyag ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo, pati ang kilalang matapang at palabang abogada na si Atty. Lorna Patajo-Kapunan.

Derek, Ellen binisita ni Pernilla Sjoo viral na, nag-ninang sa binyag?

PHOTO: Instagram Story@ramsayderek07

Magugunitang nagsalita si Derek matapos akusahang “mang-aagaw” ang kanilang kaibigan na isang Siargao-based Swedish marine photographer.

Ang nag-ugat nito ay dahil sa ipinagawang matching tattoos nila ni Philmar Alipayo na “224” na ang ibig sabihin ay “Today, Tomorrow, Forever.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa interview ng showbiz insider na si Ogie Diaz, ibinunyag ng batikang aktor na naapektuhan ang mental health ni Pernilla dahil sa bashing at threats na natatanggap nito.

Ayon kay Derek, kung nakaramdam raw ng betrayal si Andi ay karapatan niya ito, pero sana raw ay maayos nila itong pinag-usapan at hindi na sana lumaki nang ganito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending