Derek Ramsay pumalag sa basher na dinamay ang anak

Derek pumalag sa basher na dinamay ang anak: ‘Example how evil the world is’

Pauline del Rosario - February 17, 2025 - 09:57 AM

Derek pumalag sa basher na dinamay ang anak: ‘Example how evil the world is’

PHOTO: Instagram/@ramsayderek07

MUKHANG pinag-iinitan ng ilang bashers at haters ang aktor na si Derek Ramsay matapos ipagtanggol ang kaibigan na si Pernilla Sjöo.

Ngunit hindi na nakatiis ang aktor at talagang binarag ang isang basher nang dinamay na ang kanyang anak kay Ellen Adarna.

Nag-post kasi si Derek ng Instagram video na kasama ang kanyang cute na cute na baby, habang kinakantahan ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Ngunit imbes na puro positibo ang nagkomento ay hindi rin maiiwasan ang mga epal na talagang naninira ng araw.

Baka Bet Mo: Pernilla Sjoö takot nang lumabas ng bahay dahil sa Andi-Philmar scandal

May nabasa kami na tila alam na alam ang magiging kapalaran ng anak ni Derek at ni-relate pa ang naging isyu sa pagitan nina Philmar Alipayo at ni Pernilla.

“That baby will eventually have a couple tattoo with a married person, how would you feel?” sey ng netizen.

Pumalag naman si Derek at sinabing, “This is the perfect example of how evil the world is.”

Aniya pa, “One thing is for sure when my beautiful daughter grows up she will have the kindness to forgive people like you.”

Derek pumalag sa basher na dinamay ang anak: ‘Example how evil the world is’

PHOTO: Screengrab from Instagram/@ramsayderek07

Sa kabila ng mga nang-nenega sa aktor, marami pa rin ang nagtatanggol at sumusuporta sa kanya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“To all the bashers, there’s just too much hate in your heart. What do you get out of bashing?”

“I don’t think Derek deserves to be bashed by defending his friend. Pati past ni Derek nauungkat in reality wala naman talaga tayo lahat alam sa personal life ng tao. Bottomline ng statement ni Derek is sana hindi na lang sana pinost ni andi kasi after 1 week okay na pala agad sila.”

“You’re a good friend Derek. I agree mali naman talaga si Andi.”

Magugunitang nagsalita si Derek matapos akusahang “mang-aagaw” ang kanilang kaibigan na isang Siargao-based Swedish marine photographer.

Ang nag-ugat nito ay dahil sa ipinagawang matching tattoos nila ni Philmar na “224.”

Sa interview ng showbiz insider na si Ogie Diaz, inamin ni Derek na nainis siya sa naging pahayag ng surfer na parang walang nangyari at walang naapektuhan sa away nila ni Andi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon kay Derek, kung nakaramdam raw ng betrayal si Andi ay karapatan niya ito, pero sana raw ay maayos nila itong pinag-usapan at hindi na sana lumaki nang ganito.

Bandang huli ay nilinaw ni Derek na hindi niya inaaway ang couple, pero nais lang niya depensahan ang kaibigang nasasaktan at apektado ang mental health.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending