Kris Bernal naging pretentious noon, magpapakatotoo na ngayon
AMINADO ang aktres at celebrity mom na si Kris Bernal na naging pretentious rin siya nang ilang taon sa mundo ng showbiz.
Sa kanyang naging panayam sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Lunes, March 10, nausisa siya tungkol sa pagiging lapitin ng mga bashers.
“Pero ikaw, ang tapang tapang mo. I’ve been watching you. Parang lapitin ka masyado ng bashers. Nararamdaman mo ‘yun?” tanong ni Boy kay Kris.
Sagot ng celebrity mom: “Opo, lahat ng ginagawa ko. Kahit noong naging nanay ako, ang dami pa rin po.”
Baka Bet Mo: Kris Bernal balik acting after 2 yrs ng motherhood break: First love never dies!
View this post on Instagram
Chika ni Kris, hindi rin niya alam kung bakit siya paboritong i-bash ng madlang netizens.
“Hindi ko nga rin po alam, e. Siguro dahil, hindi maya dahil syini-share ko rin sa kanila? So siyempre hindi mo rin maiiwasan na may makapansin, may mangba-bash,” pagpapatuloy niya.
Amin ni Kris, ngayon ay hindi na siya napipikon o sumasagot dahil ayaw na niyang palakihin ang mga isyu.
Pinag-uusapan rin daw nila ng asawa niyang si Perry Choi ang mga natatanggap nitong komento mula sa social media.
“Ang masasabi ko na lang parang ako ‘to. Alam mo ‘yon, kung mahal n’yo, salamat. Thank you nandiyan pa rin kayo para sa akin. Pero kung hindi, hindi ko pipiliting magbago,” mensahe ni Kris sa mga bashers.
Dagdag pa niya, “Tsaka sa showbiz parang naramdaman ko na rin na naging pretentious ako for so many years. Ngayon gusto ko na lang magpakatotoo.”
Lately ay madalas na makatanggap ng komento patungkol sa kanyang pagiging payat at umano’y pagiging retokada raw.
Hindi rin nakaligtas ang ipinatayong bahay nina Kris at Perry mula sa mapanghusgang netizens na anila’y mukha raw munisipyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.