Andi ibinandera family photo, pang-asar kay Pernilla Sjoö?

Andi ibinandera family photo nila ni Philmar, pang-asar kay Pernilla Sjoö?

Ervin Santiago - February 19, 2025 - 09:39 AM

Andi ibinandera family photo nila ni Philmar, pang-asar kay Pernilla Sjoö?

Pernilla Sjoö, Philmar Alipayo at Andi Eigenmann kasama ang 2 anak

NILAGYAN na naman ng malisya ng mga netizens ang pagpo-post ni Andi Eigenmann ng mga sweet photos nila ni Philmar Alipayo sa social media.

Pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng mga tagasuporta ni Andi ang latest pictures nila ng kanyang fiancé kasama ang kanilang mga anak.

Ayon sa mga comments na nabasa namin, mukhang bumalik na sa dati ang  pagsasama ng engaged couple matapos nilang maayos ang kanilang marital problems na nag-ugat sa pag-eksena ng Swedish marine photographer na si Pernilla Sjoö.

Sunud-sunod ang post ni Andi sa socmed ng mga bonding moments nila ng kanyang partner at ng kanilang mga anak, kasama na riyan ang mga litrato nila habang nasa swimming pool.

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann nanindigang hindi nag-cheat si Philmar Alipayo, pero…

Makikita sa mga photo ang paternal grandparents ni Andi, ang celebrity couple at veteran stars na sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa.

May mga litrato rin ang wifey ni Philmar with her brother Stevie Eigenmann at ang panganay na anak ni Andi kay Jake Ejercito na si Ellie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Ang mababasa sa caption ni Andi, “Not to overshare, but I was ecstatic that my grandparents finally got to come visit Siargao all the way from the States, after 7 years of me living here. With my sissy @stevieeigengirl and my city girl @ellie_ejercito, no less!”

Kahapon, February 18, ibinahagi naman ni Andi sa IG ang iba pa nilang pictures ni Philmar kung saan kasama naman nila ang kanilang mga anak na sina Lilo at Koa.

Ang caption ni Andi sa wikang Bisaya, “Dire ra sa kun hae an malinawon. (Dito lang muna tayo kung saan matahimik). Hinay hinay, mo hilom ra. (Dahan-dahan, tatahimik din).

“Tanan para sa pamilya (Lahat para sa pamilya),” aniya pa.

May mga nagsabi na mabuti na lang at agad naayos ni Philmar ang problema nila ni Andi na nagsimula nang magpa-matching tattoo sila ni Pernilla sa braso ng “224”, na ang ibig sabihin ay “today, tomorrow, forever.”

At maswerte rin daw ang surfer instructor dahil love na love siya ni Andi at pumayag agad itong makipagbalikan at kalimutan na lamang ang mga nangyari.

Pero ilang FB users naman ang nagsabing feeling nila, pang-asar at pang-urot kay Pernilla ang sunud-sunod na pagbabahagi ni Andi sa socmed ng kanilang family photos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parang nais lamang daw ipamukha ng aktres na buong-buo pa rin ang kanilang pamilya sa kabila ng pagpasok niya sa eksena. Tama ba ang kutob nila, mga ka-BANDERA?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending