Anak nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na si Liana Del bininyagan na

Derek Ramsay, Ellen Adarna at Baby Liana Del
BININYAGAN na ang anak ng celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay na pinangalanan nilang Liana.
Last February 27, 2025 pa naganap ang binyagan pero ngayon lang ibinahagi ng mag-asawa ang mga litrato ng mga naging kaganapan sa espesyal na okasyon sa pamilya Ramsay.
Sa kanyang Instagram page, nag-share si Ellen ng ilang photos nila ni Derek kasama ang kanilang panganay at ang ilan sa mga naging bisita sa reception ng binyag.
View this post on Instagram
“Lili’s Baptism,” ang maikling caption na inilagay ni Ellen sa kanyang IG post. Naganap ang binyagan sa St. James The Great Parish.
Ibinahagi rin ng dating sexy actress ang litrato ng mga kandilang ginamit sa baptism ni Liana. Mababasa rito ang buong name ng bata na “Liana Del A. Ramsay.”
October, 2024 nang ibalita nina Ellen at, Derek sa publiko ang pagsilang ng kanilang anak
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.