Derek Ramsay, world-renowned Chef Gordon Ramsay magpinsan daw, true ba?!

Derek Ramsay, Gordon Ramsay
TOTOO pala ang chismis, mga ka-BANDERA, na magkamag-anak daw ang world-renowned chef na si Gordon Ramsay at ang Pinoy heartthrob na si Derek Ramsay!
Ayon sa source ng When In Manila, bukod sa may dugong Scottish ang pamilya Ramsay, natuklasang may matagal na silang koneksyon mula pa noong 1800s.
“Their great-great-great-grandfather, Benjamin Ramsay, was a Scottish explorer who set sail for the Philippines in the 1800s,” sey sa ulat.
Chika pa, “Upon arrival, he fell in love with a Filipina chef known for her legendary adobo recipe. Generations later, this branch of the Ramsay family flourished!”
Baka Bet Mo: Juday na-meet si Gordon Ramsay: Damang-dama ang internal kilig!
Wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa tungkol sa nakakagulat na rebelasyong ito, pero mukhang ito rin daw ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon si Gordon na buksan ang kanyang restaurant na Gordon Ramsay Bar & Grill dito sa Pilipinas.
Magugunitang bumisita sa Pilipinas ang sikat na chef nitong Enero para sa isang meet-and-greet kasama ang Pinoy fans.
Isa sa mga highlights ay ‘yung mala-Master Chef competition na kung saan ibabandera ng mga kalahok ang sarili nilang bersyon ng paboritong pampalamig ng mga Pinoy—ang Halo-Halo!
Kasama sa mga special guests sina Judy Ann Santos at Ninong Ry, na parehong kilala sa kanilang husay sa kusina.
Pero ang pinaka-pasabog? Ang eksena kung saan nagharap sina Gordon at Lumpia Queen upang i-transform sa lumpia ang sikat na Beef Wellington.
Samantala, hindi rin nagpahuli ang magkapatid na TikToker-dancer na sina Niana at Ranz Kyle Guerrero.
Sa kanilang challenge, tinuruan nila ang sikat na chef kung paano gumiling at sumayaw, habang sila ay tinuruang magluto at mag-serve sa isang restaurant.
Para sa mga hindi aware, si Gordon ay isang world-famous chef na nagmamay-ari ng ilang Michelin-starred restaurants, kabilang na ang Restaurant Gordon Ramsay sa United Kingdom at ang Le Pressoir d’Argent sa Bordeaux.
May restaurant din siya sa Singapore, UAE, Japan, at siyempre, dito sa Pilipinas!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.