Zeinab Harake, Derek Ramsay nagpaka-wild

Zeinab Harake, Derek Ramsay nagpaka-wild, nagkagatan ng labi

Ervin Santiago |December 12,2023
facebook
share this

Zeinab Harake, Derek Ramsay nagpaka-wild, nagkagatan ng labi

Ervin Santiago - December 12, 2023 - 05:53 PM

Zeinab Harake, Derek Ramsay nagpaka-wild, game na game sa kagatan ng labi

Derek Ramsay at Zeinab Harare

NALOKA ng bonggang-bongga ang content creator na si Zeinab Harake sa love scene nila ni Derek Ramsay sa horror movie na “(K)ampon”.

Ito ang entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival 2023 at ito rin ang first movie ni Zeinab kung saan makakasama rin nila ni Derek si Beauty Gonzalez.

Chika ni Zeinab sa naganap na presscon ng “(K)ampon” kahapon, December 11, talagang matinding nerbiyos ang naramdaman niya habang ginagawa ang pelikula.

Lalo na raw nang kunan na ang maiinit at naglalagablab na love scenes nila ni Derek sa movie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


“’Yung scene po, medyo naloka ako! Kasi first time ko talagang…honest lang po, first time ko pong nakipag-kissing scene sa hindi ko po partner, first time po ‘yun,” pag-amin ng vlogger na aktres na rin ngayon.

Baka Bet Mo: Zeinab inaatake ng matinding nerbiyos sa unang pagsabak sa pelikula, pero feeling lucky dahil makakasama sa MMFF 2023

“But nun’g naka-work ko po si Sir Derek, wala po akong masabi. Sobrang respeto po talaga niya, gina-guide niya po ako.

“Hindi lang po si Sir Derek, pati si direk King (Palisoc), nandoon po talaga sila to guide me, kung paano ko gagawin (yung mga eksena), kung paano ko kakayanin. Sana po, maganda po ‘yung kinalabasan,” sey ni Zeinab.

Pero bakit nga ba siya naloka sa pinaggagawa nila ni Derek sa “(K)ampon”? “Kasi po, ‘yung karakter ni Loreta, ang layo po nu’n sa Zeinab, eh. So, kailangan pong makita ‘yung expression ni Loreta du’n habang ginagawa ‘yun.

“So, ‘yun po talaga ‘yung pinakaunang tinatak ko sa isip ko habang ginagawa ‘yung eksena na ‘yun kaya medyo naloka ‘ko.

“Tapos nu’ng nakita ko siya sa screen, nu’ng napanood ko na ng very slight, du’n ako naloka. ‘Shit, sabi ko, ‘ako to? Ako talaga ‘to?’” ang hindi pa rin makapaniwalang  sabi ni Zeinab.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Patuloy pa niya, “Parang Anne Curtis, mga ganu’ng level ‘yung mga napapanood ko with Sir Derek Ramsay, tapos, isa ako sa mga nabigyan ng pagkakataong magawa ‘yung mga ganu’n.

Baka Bet Mo: Netizens naloka sa ‘vaccine hugot’ ni Nikko; Jinkee super Inglisera sa socmed

“’Di ko alam kung good ba ‘yun or bad or nakakatawa. Pero nailaban naman po. Kaya po abangan n’yo. Grabe ‘yung ginawa ko dito. Kaya sana, panoorin n’yo. Nilaban ko ‘to kaya ilaban n’yo ‘to,” ang tawa nang tawang pagbabahagi ni Zeinab.

Agree naman si Derek sa kuwento ni Zeinab dahil napaka-intense raw talaga ng love scenes nila. May kagat-labi na raw sila ni Zeinab, inuntog pa siya nito sa pader.

“Gaya ng mga other love scenes ko, sabi ko kay Zeinab na ‘let’s just to this in one take para hindi na maging awkward and nakita ko ‘yung transformation niya from Zeinab to her character, Loreta in a snap of a finger.

“So, mabilis natapos ‘yung eksena even though it was her first time to do something like that,” ani Derek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “(K)ampon” sa December 25 bilang bahagi ng MMFF 2023. Ito’y mula sa direksyon ni King Palisoc at kasama rin sina Nico Antonio at Erin Espiritu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending