Ellen Adarna nabuntis pero nakunan; Derek Ramsay lutang

Ellen Adarna nabuntis pero nakunan; Derek Ramsay lutang: ‘We lost the baby’

Ervin Santiago |December 11,2023
facebook
share this

Ellen Adarna nabuntis pero nakunan; Derek Ramsay lutang: ‘We lost the baby’

Ervin Santiago - December 11, 2023 - 02:16 PM

Ellen Adarna nabuntis pero nakunan; Derek Ramsay lutang: 'We lost the baby'

Derek Ramsay at Ellen Adarna

NAKABUO na ng baby ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna makalipas ang dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa.

Ngunit sa kasamaang-palad nakunan ang aktres at celebrity mom kaya hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis sa panganay sana nila ni Derek.

Sa presscon ngayong araw, December 11, ng horror movie ni Derek at ni Beauty Gonzalez na “Kampon” na official entry sa Metro Manila Film Festival 2023, naibahagi niya ang tungkol sa pregnancy ng kanyang wifey.

Ayon sa premyadong aktor, a few weeks ago ay nalaman nilang nagdadalang-tao si Ellen kaya naman tuwang-tuwa silang mag-asawa dahil matagal na nilang gustong magka-baby.

Baka Bet Mo: Jelai Andres tinalakan ang basher na ‘pala-desisyon’: Inom ka po kaya ng pinakuluang bawang na may medyas at tansan

Nang magpunta raw sila recently sa Spain para magbakasyon ay nalaman nilang buntis sila Ellen after nitong mag-pregnancy test, “A great gift for her mom and to us and then nu’ng pauwi, nag-i-spotting na siya…and we lost the pregnancy.”

Ito ang dahilan kung bakit agad-agad na nagpunta sa ospital ang mag-asawa para magpa-checkup pag-uwi nila ng Pilipinas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Inamin ni Derek na lutang pa rin siya hanggang ngayon dahil sa nangyari at parang rollercoaster of emotions daw ang kanyang nararamdaman.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna hindi humihingi ng pera kay Derek Ramsay: I wasn’t raised like that

“Ako kasi worried ako, kasi tumatanda na ako, eh. Tapos nalaman nga naming pregnant si Ellen but then unfortunately nga we lost the baby.

“But she’s okay. Hindi niya kailangang magpa-confine, or magparaspa, whatsoever. So, hopefully next year, makabuo na uli kami,” pahayag ni Derek.

Ang silver lining naman daw na nakikita nila ni Ellen after what happened ay napatunayan nila na pwede pa silang makabuo at hindi sila “baog.” “First attempt pa lang naman, so at least we know that we can still have a baby in the future. It’s sad that we lost the baby so may possibility pa rin na makabuo.”

May kaunting fear din kasing napi-feel si Derek na baka hindi na sila makabuo dahil nagkakaedad na rin siya kaya nang malaman niyang pregnant na si Ellen ay super happy siya.

Inamin din ni Derek na dati raw ay gusto niyang magkaroon uli ng baby boy pero nang gawin niya ang pelikulang “Kampon” kung saan nakasama niya ang child actress na si Erin Espiritu ay nagbago na raw ang hiling niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Parang gusto ko na ngayon ng baby girl,” sey ni Derek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending